Chapter 17
"Class dismiss." sambit ng lecturer namin. Maaga niya kaming dinismiss ngayon. Alas onse pa lang. Nagsilabasan na rin ang iba kong mga kaklase.
I was busy fixing my things when our lecturer approached me. Tinangunan ko si Jasper nang sumenyas ito na sa labas na siya maghihintay.
"Ms. Villarica, can you do me a favor?"
I smiled. "Sure po. Ano po iyon?"
May inabot itong mga bondpaper na printed. Girl, ang dami shutangina.
"Pakidaan na lang nito sa Admin's office. Just leave it sa table ni Ma'am Cyrene. Thank you."
Tipid akong napangiti at tumango. Umalis na ito at naiwan akong mag-isa sa classroom. Isinukbit ko sa kabilang balikat ang strap ng bag at sa may kanang namang braso ang mga papel na dala.
Lumabas ako ng room, nadatnan kong tinatawanan ako ng bruhilda kong kaibigan.
"Need some help, bestie?" she said while bursting in laughter. Tinadyakan ko naman siya.
"No thanks. Ayos na ako." I rolled my eyes. "Dumiretso ka na sa cafeteria, susunod na lang ako."
"Sure ka?"
"Oo nga." sinundan ko ito ng tingin bago lumiko at dumaan sa kabilang direksyon.
I rolled my eyes thinking that my lecturer would eventually pass by the Admin office. Tinatamad ba siya? O baka naman may importante talaga siyang gagawin.
Napadaan ako sa mainit na soccer field. Sa sobrang init ginawa kong pantabon sa mukha ang dalang mga papel. Hindi ko pa namalayan nang may bigla akong nakabunggong tao kaya ang ending nagkalat sa grass ang ilan sa mga ito.
"Sorry." sabay naming saad.
Our eyes met. Nanlaki pa ng bahagya ang mga mata ko nang matantong si Spenser pala iyon.
"I'm sorry. Tulungan na kita." he said, avoiding my gaze.
I cleared my throat at tumulong na din sa pagpulot. Ngayon na lang ulit kami nagkaroon ng interaksyon at nagkausap.
Pansin kong awkward na itong nakikitungo sa akin. Minsan pa nga ay iniiwasan talaga nito kapag nakakasalamuha kami.
"Thank you!" pahabol kong sabi nang nagmamadali itong umalis at iwan ako.
"Problema nun?" taka kong sambit sa sarili. I just shrugged my shoulders at nagpatuloy na lang sa paglalakad.
Nang makarating sa building, tahimik ang hallway. Pagliko ko sa kabilang gawi, isang saksak sa tagiliran gamit ang kutsilyo ang siyang bumungad sa akin.
"Fuck!" I cursed.
Mabilis akong napaluhod at nabitawan ang mga dalang papel, kahit ang strap ng bag ko ay nahulog na rin mula sa balikat.
It felt like I was suddenly doused with cold water. My cold hands involuntarily gripped the handle of the knife. I was startled as I glanced at the person who did that.
Nakauniporme ito tulad ng sa akin kaya natanto kong isa rin siyang senior high student. Bagaman nakaitim na mask, nakilala ko pa rin ang mga mata nitong nakatagi mula sa malaki niyang salamin.
"J-Jesser?" I whispered weakly, stuttering with my own word.
Mabilis itong tumakas at tumakbo papalayo, iniwan ako sa ganoong sitwasyon.
Mariin akong napapikit nang tuluyan na akong napaupo sa malamig na sahig.
Isang tanong ang tumatak sa isipan ko... Why would she do that?
BINABASA MO ANG
Sailing Back Into Your Arms
Ficción General[COMPLETED] --- Zharia Amore Villarica was given a big responsibility and that is to manage and become the CEO of their own hotel, the Villa Hotel. Her life sucks. Namatayan ng ama, walang kinagisnang ina, at walang mga kapatid. Nasanay ng mamuhay n...
