Prologue
"Happy birthday sa oa naming best friend!" "Happy birthday sa oa na CEO!" sabay-sabay na sigaw ng mga kaibigan ko. "Cheers sa pagiging oa!" sigaw ko din nang tumunog ang aming baso.
I know I'm a bit tipsy now, gusto ko na ngang magpahinga dahil may flight pa ako bukas pero hindi ko naman pu-pwedeng iwan ang dalawa kong kaibigan dito lalo pa't pareho na silang lasing.
Nagyayaya pa ngang sumayaw sa dance floor. Naiiling akong tumatawa habang patuloy na nagrarant si Jasper.
Nasa isang bar kami ng mga kaibigan ko. We didn't book a VIP room dahil mas gusto naming makihalubilo sa mga tao, may nakakasalamuha at minsan naman ay lumalapit sa table namin ng mga taong nakakakilala sa amin.
Tatlo lang kaming nasa bilugang lamesa, pa- u naman ang hugis ng sofa na inuupuan namin. The people in the dance floor were growing wilder and wilder. Mas lalo pang lumakas ang tugtog.
The neon lights made my head spin a little bit. Mas lalo lang akong nahihilo dahil do'n. Um-order ulit si Caitlin ng tatlo pang inumin. Hindi ko na narinig kung anong klaseng alak na naman ang inorder nito.
God gracious!These people!
"Nakaapat na bote na tayo girls, dagdagan niyo pa." hirit ko at humilig sa back rest ng sofa.
Tumawa lang si Caitlin. "Mukha kasing hindi ka pa lasing."
I just rolled my eyes kahit hindi niya naman kita ang buong mukha ko.
Pinikit ko ng mariin ang mga mata ko nang makaramdam na naman ng matinding pagkahilo.
"Hoy, teh hindi ka ba nakikinig?" malakas na sambit ni Jasper at umusog pa ng konti sa akin palapit.
"What?" I shouted back at umayos ng upo.
Nagsisigawan kami dito dahil na rin sa lakas ng tugtog.
Nagsalin siya sa baso ng isang shot at inabot sa akin. I just smirk at nilagok iyon.
"What, what ka diyan! Ano na girl? Wala ka na bang balak maglovelife diyan? Twenty-four ka na teh!" she ranted as she rolled her eyes at me. Ang maikli nitong buhok ay sabog na.
I let out a sighed. "I'm not interested."
Tumawa si Caitlin. "Wehh o baka naman hindi mo pa nakakalimutan yung isa kaya hindi ka pa nakakamove on."
They both laughed at himampas ako.
I shooked my head nawawala na rin sa tamang pag-iisip.
"Nakamove on na ako 'no! Tawa ka ng tawa Jasper eh kahit ikaw hindi ka pa rin nakakapag move on diyan kay Kino!" I fired back.
Sabay kaming natawa ng malakas. Pero sa lakas ng tawa ni Caitlin natalo niya pa yung tugtog.
"Haystt! Tama na 'yan! Let's just drink and enjoy your special day, Zhari!" Caitlin raise her glass. Tinaas ko rin yung akin at gano'n din ang ginawa ni Jasper.
"Cheers!"
Caitlin stood up at inayos ang skirt niyang medyo nagusot. Uminom pa siya ng isa pang shot bago nagyaya.
"Let's dance!"
Tumayo si Jasper at muntik pa ngang matumba dahil sa kalasingan. Caitlin is taller than Jasper. Mahaba ng konti ang buhok nito kumpara kay Jasper.
"Zhari, come on!" hinila nila ako para tuluyan ng makatayo.
"Okay, okay. Punta lang ako comfort room saglit."
"Okay, then. We'll wait for you there." sambit ni Jasper.
I nodded as an answer at tinahak ang daan papuntang comfort room. Kanina pa talaga ako naiihi. Good thing I brought my purse para na rin nakapag retouch ako.
BINABASA MO ANG
Sailing Back Into Your Arms
פרוזה[COMPLETED] --- Zharia Amore Villarica was given a big responsibility and that is to manage and become the CEO of their own hotel, the Villa Hotel. Her life sucks. Namatayan ng ama, walang kinagisnang ina, at walang mga kapatid. Nasanay ng mamuhay n...