Chapter 34

72 6 0
                                    

Chapter 34




I looked at Aris with so much suspicion. "Paano mo naman nakilala si Caius at Lucian? At talagang may litrato ka pa nila, ha?" my brow shot up habang tinitimbang ang magiging reaksyon niya.





Ngumuso siya na mas lalong nagpagulo sa isipan ko. I tilted my head at tiningnan siya na may nanlilisik na mga mata. Something pop up in my mind. Don't tell me...






"Alam mong nasa Seattle ako." it wasn't a question na para bang alam ko na agad ang sagot. Hindi naman sasabihin nila Caitlin at Andrei sa kaniya na naroon nga ako dahil alam nilang ayaw kong malaman ni Aris. So, paano niya nalaman? Kanino? "Pina—" he cut me off.





"Bakit naman kita susundan? It's not like I can't move on from you... tss."



"Wala naman akong sinasabi ah. Bakit? Sinundan mo ba talaga ako ro'n?" sambit ko na may nang-aakusang tingin. I can't believe him!






He bit his pinkish lip. Nagsalubong ang maitim at makakapal nitong kilay. His jaw clenched as he avoided my gaze. Got ya! So, sinundan niya talaga ako? Tumitig ako sa mukha niyang nakaiwas pa rin sa akin. I remained my straight face at itinago ang nangitngiti kong mga labi.






He remained silent. I sighed, "Wala ka na bang sasabihin?"




Hindi pa rin siya nagsalita kaya nilagpasan ko na ito. Dumiretso ako sa elevator. I tap the close button, hindi pa tuluyang nagsarado ay pumasok si Aris. Sinusundan ako.





I can see his blurry face through the reflection of the door.




"Anong nangyari sayo?" sa wakas ay nagkaroon ako muli ng lakas ng loob para tanungin iyon sa kaniya.




Tumiim ang bagang nito at matiim na nakatingin din sa akin, nga lang talagang nakatitig siya sa akin. Pwede namang tumingin siya sa reflection ko through the door!





"Baka isipin ng asawa mo ay talagang nag-aalala ka pa sa akin, Zhari. Ayokong kumalat ang pangalan ko na naging kabit."




I looked at him in disbelief. Hindi ako makapaniwalang lumingon sa kaniya. "Baliw ka ba?" now he looked at me with a smirk with no humor in it. Halatang galit pa rin yata ito. Ano ba kasing ikinagagalit mo, Ariviel?!




Mabilis ang bawat hakbang ko. Nang makarating ako tapat sa  coffee shop ay ang akala ko hindi na siya papasok. Talagang sinundan ako hanggang sa loob!



Lumapit ako sa counter para um-order. Magbabayad na sana ako nang unahan ako ni Aris. Inabot niya ang credit card sa babaeng titig na titig sa kaniya.



"Ako na ang magbabayad." aniya. Hindi na ako nakipagtalo pa at nagpasalamat na lang. Kahit sa pagbalik sa mismong floor ng kwarto ni Aia ay nakasunod pa rin siya. Hindi ba siya magpapahinga?





"May kailangan ka pa?" I asked. Pumihit ako paharap sa kaniya.




"Sinasabi ko lang sayo Zhari na kailangan mo ng hiwalayan ang asawa mo. File for a divorce. I know a good lawyer for that. Hindi ka dapat nagtitiis sa lalaki na  lalaki din pala ang gusto."  he said with unwavering confidence.


Wow. Mariin akong napapikit. Ewan ko ba! Mas na-stress yata ako rito kay Aris.



"Pinagsasabi mo? Hayst, ewan ko sayo."




"Pinagsasabi ko? Hanggang ngayon 'yan pa rin ang lagi mong sinasabi. Sinasabi ko lang sayo na you don't have to settle for less. Find a good man, Zhari. For you and for your daughter." seryoso siya sa bawat salitang binibitawan. "Maghanap ka ng lalaki na mamahalin ka—"






Sailing Back Into Your ArmsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon