Chapter 6

138 16 2
                                    

Chapter 6

I stared at my reflection in the mirror.

I wore a tank top tube paired with fitted skirt and boots. Tinali ko na rin ang mahaba kong buhok.

Nagkayayaan sina Caitlin at Jasper na mag-inuman sa isang bar malapit lang dito sa condo ko.

Actually, my original plan is hindi ako sasama dahil may usapan kami ni Ariviel na magkita pero dahil na rin sa inis at irita ko nang makitang magkasama sila ni Valentine ay napagpasiyahan kong hindi na lang sisipot.

I-tetext ko na lang siya mamaya pagkarating ko sa bar na Hindi ako pupunta.

I wonder if he's up to something. Bakit nga ba siya bumalik? And worst, I saw him with Valentine Castillo.

Is he planning for a revenge?

But why now? God gracious!

It's been years kaya bakit ngayon siya maghihiganti sa akin kung pwede namang noon pa lang. Kung sakali mang bumalik lang siya para maghiganti sa akin.

But, he clearly said he don't want to be involved with me anymore!

Argghhh! This is making me crazy.

Pilit ko iyon winaksi sa aking isipan nang makarating sa nasabing bar.

"Ang tagal mo!" bungad ni Jasper nang marating ako sa table namin.

Umirap lamang ako at naupo sa sofa katabi ni Caitlin.

The alcoholic drinks were already served. Marami-rami iyon kaya paniguradong malalasing talaga kami nito.

"Alam ni Aris na hindi ka sisipot?" si Caitlin habang nagsasalin ng inumin.

Oh right!

Muntik ko ng makalimutan.

"I-tetext ko pa lang."

Kinuha ko ang phone mula sa purse. Hinanap ko kaagad ang numero niya.

Wala man lang siyang text sa akin!

Hindi na ako magtataka kung hindi 'yon naghihintay sa akin.

I rolled my eyes at the sudden realization.

May Valentine na 'yon, Zhari! Baka nga siya pa ang hindi sisipot sa usapan!

I glared at my phone while typing a text.

Ako:

I've something else important to do kaya hindi na ako makakapunta.

"Zhari!" napatalon ako ng bahagya sa gulat dahil sa sigaw ni Caitlin.

Irita ko siyang binalingan. "Mwooo?"

Hayan! Umaandar na naman pagiging koreana ko!

Chariz.

"Busy ka diyan? Shot mo."

Tinaggap ko na lang iyon at nilagok.

I consciously turned my gaze to my phone.

Na-off ko pala.

Nasend ko ba 'yon?

Inabot na naman ako ni Jasper ng isa pang baso.

Nasend ko naman siguro?

Ayy bahala na!

Binalik ko sa loob ng purse ang phone matapos.

Ilang minuto na ang lumipas. Mas dumami lang din ang mga taong pumapasok sa bar.

"Kayo na ba ni Andrei, girl?" si Jasper kay Caitlin.

Sailing Back Into Your ArmsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon