Chapter 21
Aris called early in the morning. Maayos siyang nakalapag ng Manila. Lagi kaming nagvivideocall, usually after my class. Minsan pa ay nagte-text siya kung busy ba daw ako mamayang gabi para kung may gagawin man ako ay hindi niya ako maiistorbohin.
"I'll text you na lang kapag ka natapos ko ng Gawin ang assignments ko." I answered.
Okay lang naman din iyon sa kaniya lalo pa't parehas din kaming busy. Siya, nagrereview para sa board exam niya at ako naman gumagawa ng schoolworks at nagpreprepare for the final exam.
No'ng ikalawang Araw niya sa Manila ay nababggit niya sa akin na nakahanap siya ng pansamantalang trabaho.
Nag-offer ako sa kaniya na pwede namang ako na lang ang nagbabayad ng hospital bills ng kapatid niya kung iyon man ang dahilan, but he always refuse.
Madalas akong napapaisip kung bakit kailangan niya pang magtrabaho, I mean, he got an expensive car and private island! I'm sure he's rich!
Isang gabi late ako ako nakauwi dahil nagstay kami magdamag ni Jasper sa library para magreview sa iilang subjects. Nagself study na nga lang kami sa chemistry dahil hindi pumapasok ang lecturer namin para magturo.
Matapos kong kumain ng dinner, umakyat na ako sa kwarto para masimulan ang pagrereview sa dalawa pang subject.
Heck! Bukas na ang exam namin teh!
Lumalalim na ang gabi at ang mata ko ay parang sumusuko na. Wala na nga akong maintindihan sa sobrang antok.
Pero ilang minuto lang ang lumipas ay pilit na akong hinihila ng antok ko.
Naramdaman kong nagvibrate ang phone ko na nakapatong lang din sa may libro. Ang talukap ng mga mata ko ay bumabagsak na dahilan ng hindi ko pagsagot sa kung sino man ang tumatawag.
I was inside the SUV the next morning. Antok pa dahil napaaga masyado ang gising. Kahit na maaga akong nagising ay hindi rin naman ako nakapag-ayos.
Pumasok ako ng school na sabog ang mukha! Ayos lang naman eh, wala din naman dito si Aris. Hindi na kailangan lang magpaganda.
And speaking of Aris, siya ang tumawag sa akin kagabi. Naisipan kong mamayang gabi na lang siya tatawagan. Ayaw ko rin siyang istorbohin kaninang madaling araw dahil baka pagod iyon.
I sighed.
Nang makarating sa classroom, nadatnan ko si Jasper na nakasubsob sa desk nito.
Hinampas ko siya nang makalapit. Imangat nito ang ulo at humarap sa akin na siyang nagpahagalpak sa akin ng tawa.
"Tanginang 'yan girl! Akala ko ako lang ang sabog. Eh mukhang dinaanan ka ng bagyo at gyera 'yang itsura mo!"
"Saya mo naman. Makatawa ka diyan parang hindi rin dinaanan ng giyera 'yang pagmumukha mo." irap nito.
"Mas sabog ka naman."
"Porket may inspiration ka. Psh."
Natigil lang kami sa bangayan nang pumasok ang adviser namin para magdistribute ng text papers.
Pinaghalong pagod at saya ang naramdaman ko matapos ang exam. Pagod dahil sa buong magdamag na nakayuko at kakaupo. Saya dahil finally tapos na!
Paalis na kami ni Jasper nang bigla kaming nilapitan ni Spencer.
"Punta kayo sa birthday party ko mamaya. Sama niyo na rin si Caitlin." may inabot itong invitation card.
Namilog ang mga mata ko. Hindi ko alam na birthday niya pala ngayon. Ngayon ba? Mamaya nga daw diba!
BINABASA MO ANG
Sailing Back Into Your Arms
Ficción General[COMPLETED] --- Zharia Amore Villarica was given a big responsibility and that is to manage and become the CEO of their own hotel, the Villa Hotel. Her life sucks. Namatayan ng ama, walang kinagisnang ina, at walang mga kapatid. Nasanay ng mamuhay n...
