Chapter 3
Dahan- dahan akong nagmulat ng mga mata. Naalimpungatan ako dahil sa sinag ng araw na tumatama sa mukha ko.
Bumangon ako at napaupo sa kama.
Napansin kong hinubad lang ang longleeve ko at skirt. Nakaspaghetti strap lang ako at shorts. Ito yung suot ko sa pangloob kahapon.
Hindi man lang ba ako naghalfbath kagabi?
"Aghh." napasinghal ako nang makaramdam ng sakit ng ulo.
Tanginang hangover na 'yan.
Hindi na 'ko nag- abalang maghilamos at dumiretso na ako ng kusina.
"AHHH!" malakas akong napasigaw at gano'n na lang din ang gulat ni Ariviel. Nabitawan niya ang mug na sa tingin ko'y may lamang kape.
Buti na lang sa countertop niya binitawan kung hindi ay nabasag iyon!
"Fuck!" he cursed. He looked at me with dark eyes and brows almost meeting.
Aba! Siya pa talaga may ganang magalit dyan?!
"Anong ginagawa mo dito?" gulantang ko. Tangina! Hindi man lang ako nakapag- ayos ng buhok at nakapaghilamos.
Hindi ko man lang alam kung ano ang itsura ko ngayon.
"Eat." malamig nitong aniya at inayos ang plato sa lamesa, ingnoring my question.
Mukhang nagluto siya. Sinigang for breakfast? Ganyan na siya kagaling magluto?
Ngayon naalala ko hotdog at itlog lang naman ang kayang kong lutuin.
Hindi talaga ako pwedeng mag- asawa.
Slowly, I sat in front of him. Sinuklayan ko pa ang buhok ko gamit ang mga daliri. Palihik rin akong nagtanggal ng muta.
Nakakahiya naman sa bwisita ko.
Umupo na rin siya sa harapan ko. Nilagyan niya ng kanin ang plato ko bago lagyan ito ng sabaw.
"A-ako na." medyo utal ko pang sabi.
Kaya ko naman kasi e!
Hindi naman siya nagsalita at nagsalin na rin ng kanya.
"Ano ba kasing ginagawa mo dito?" I asked second time around. Ang pagkakaalala ko kasi kagabi uminom ako ng marami. 'Yon lang.
Wala na akong maalala after no'n. As in.
"Don't you remember what happened last night?" his cold baritone voice filled the whole place.
His intense stares bore into me. He's glaring at me!
Ano bang nasabi ko kagabi? Bakit ganito na lang itsura ng lalaki na 'to?
"Kaya nga ako nagtatanong kasi wala akong maalala." pambabara ko at inirapan siya.
"You keep on cursing like powtanginamow Lazaro."
Nabilaukan naman ako sa kinakain jay agad niya akong inabot ng tubig.
Ang slang naman ng pagkakamura.
"Expensive ka na magsalita. Hindi ka naman ganyan dati." I hissed.
Hindi siya nagsalita at binagsak lamang ang tingin sa kinakain. Natahimik kami pero dahil kating- kati na akong malaman kung ano ba talaga ang nangyari kagabi ta paano ako napunta dito kaya ako na mismo ang bumasag ng katahimikan.
"Sinong nagdala sa akin dito?" mahinang tanong ko.
His brow shot up. "Obviously, it's me."
"E ano naman ang ginagawa mo dito, ha?"

BINABASA MO ANG
Sailing Back Into Your Arms
Aktuelle Literatur[COMPLETED] --- Zharia Amore Villarica was given a big responsibility and that is to manage and become the CEO of their own hotel, the Villa Hotel. Her life sucks. Namatayan ng ama, walang kinagisnang ina, at walang mga kapatid. Nasanay ng mamuhay n...