Chapter 20
Archer and I talked a lot of things. Kahit na may pagkakapareho sila ni Aris sa itsura, nagkaiba naman sila sa ugali. Kung si Aris ay laging seryoso, salungat naman ang kapatid nito.
He told me that he got involved in a car accident. Nasabi niya ring ilang araw na siyang nandito sa ospital.
Madilim na ng pinauwi ko si Jasper.
"Kino, pahatid na lang ako kay Jasper sa kanila." ani Aris sa kaibigan.
Nalaman ko ring parehas sila ng kursong natapos. Engineer.
"You better pay for this." mahina ngunit mariing sambit ni Kino. Aris' lips crept a small smirked.
Napanguso ang kaibigan ko dahil mukhang labag sa kalooban nito ang ihatid ang kaibigan ko. Hindi ko naman siya masisisi. Sino ba naman kasi ang gaganahan kung may taong dikit ng dikit sayo? And worst si Jasper pa talaga.
Nang nakaalis na ang dalawa ang nagpaalam din si Aris na may bilhin sa labas.
"Wanna go with me?" he asked me.
"We're still talking kuya." si Archer ang nagsalita na ako ang tinutukoy.
Aris' brows furrowed. I glanced at him.
"I'll just wait here."
Napanguso ito kaya natawa ako ng bahagya. "Go..." marahang saad ko.
Hindi naman siya umangal pa. Umalis na ito at naiwan kaming dalawa ng kapatid niya.
Bumaling ako kay Archer, now gone with his playful expressions.
"Gaano na kayo katagal ni kuya?"
"Months..." tanging sagot ko.
He nodded. Bigla namang nagbago ang ekspresyon nito.
"May nababggit ba siya sayo na aalis siya?"
"Wala... wala naman siyang sinasabing ganiyan." I laughed fakely.
"Why?" he asked again.
"Hindi ko... alam?" mas lalong kumunot ang noo nito sa isinagot ko.
Pati ako ay naguguluhan na rin.
Aalis siya? When? Ang akala ko ba wala ng secrets pero bakit parang marami ata siyang tinatago sa akin?
Natahimik kaming dalawa ni Archer. Kinain kami ng nakakabinging katahimikan.
Ilang minuto ng lumipas at dumating na rin si Aris. May Dala itong paperbag na ang laman ay mga pagkain.
Parang may bumara na kung ano sa lalamunan ko habang pinapanood siya. Hindi ko alam pero... ang sakit lang kasing isipin na wala naman siyang sinasabi sa akin na aalis siya.
I glanced at Archer, seryoso niya ding pinagmamasdan ang nakatatandang kapatid.
Hanggang sa makarating na lang kami sa mansion ay wala pa rin siyang binabanggit tungkol sa sinabi sa akin ng kapatid niya.
Nasa tapat na kami ng malaking gate ng aming mansion.
Mukhang napansin niya rin ang pagiging tahimik ko simula pa no'ng nakaalis kami ng ospital.
"What wrong?" seryosong tanong nito. "May problema ba tayo?"
"Wala ka bang sasabihin sa akin?" agap ko.
Gumalaw ang adam's apple nito. Mariing umigting ang bagang.
"Anong sinabi ng kapatid ko sayo?"
BINABASA MO ANG
Sailing Back Into Your Arms
Ficción General[COMPLETED] --- Zharia Amore Villarica was given a big responsibility and that is to manage and become the CEO of their own hotel, the Villa Hotel. Her life sucks. Namatayan ng ama, walang kinagisnang ina, at walang mga kapatid. Nasanay ng mamuhay n...