Chapter 26

68 5 0
                                    

Chapter 26


Two days had passed pero tulala lang ako buong magdamag habang nakaupo at nakatitig sa kabaong ng dalawang taong mahalaga at napamahal na sa akin. Nakaupo rin si Caitlin sa tabi ko na tahimik lang din nakatingin sa harapan.




"Kumain ka muna," si Aris at naupo sa bakanteng upuan sa kabilang side ko. Kahit hindi ako nakalingon sa kaniya ay kita ko naman mula sa aking peripheral vision na may hawak siyang pagkain.


Kanina pa akong walang kain pero hanggang ngayon ay hindi naman ako dinadalaw ng gutom. "Hindi ako gutom," mahina kong sabi.

"Kanina ka pa walang kain. Kahit konti lang, lagyan mo lang ng laman ang tiyan mo."

"Hindi ako gutom." ulit ko. I heard him sighed heavily.



"Here." inabot niya sa akin ang bottled water. "Drink."



Wala na akong nagawa kaya tinaggap ko iyon at binawasan lang ng konti. Kahit na gan'to ang inaasta ko ay hindi nila ako hinahayaan. Si Andrei, Kino at siya ang tumutulong sa akin na mahanap ang kung sino mang may gumawa nito... Kung sino ang tao sa likod ng lahat ng ito.



Nandito kami sa ancestral house kung saan ako dinala ni Aris no'ng araw na sumabog ang Villa Hotel. Natanto kong sa kanila pala ito. Ngayon ko lang nalaman na mayaman naman na dati pa si Aris. Ako lang talaga itong mukhang tangang judgemental, na porket nagtatrabaho siya noon ay mahirap na ito.


Sa labas ng ancestral house nito ay may reporters pa ring umaaligid at mabuti na lang naging mahigpit ang sekyuridad na ginawa ni Aris.



Wala pa rin akong nilalabas na statement ukol sa nangyari. Hindi ko alam pero... natatakot ako. Takot akong harapin ngayon ang mga tao. Marami ang namatay nang dahil sa akin. Alam kong wala akong kinalaman sa nangyaring pagsabog pero may pananagutan ako. Kung sana dinoble ko ang sekyuridad no'ng araw na iyon.





Hindi naman ganoon karami ang taong nandirito ngayon at nakikiramay. Umugong lang ingay nang may pumasok. Napalingon ako sa bukana ng pintuan. Mabilis akong napatayo nang matantong si Tita Jade at Tito Franco iyon. Ang mommy at daddy ni Jasper. Naramdaman kong tumayo rin si Caitlin at Aris. 




Alam kong mababait sina Tita at Tito sa akin dahil sa tagal ba naman naming magkaibigan ni Jasper at gano'n din kay Caitlin. Pero sa nakikita ko ngayon sa mga mata nila alam kong puno iyo ng galit.


Kung magagalit man sila sa akin dahil sa nangyari, hindi ko sila masisisi. Tatanggapin ko iyon dahil alam kong may kasalanan pa rin ako sa ibang parte.




Babatiin ko na sana sila pero nilagpasan lang nila kami at dumiretso sa kay Jasper. Sa kabilang banda ay naroroon din ang kabaong ni Alya. Ang alam ko ay mag-isa na lang ito sa buhay kaya walang bibisita pa rito na kakilala o kapamilya. Si Dad at ako ang tinuring nitong pamilyar dahil sa tagal niya na sa amin nagtatrabaho.





My eyes drifted at Tita Jade. She's crying hard habang inaalo naman siya ni Tito Franco.


Napabaling ako sa aking kaibigan na nagsisimula na namang umiiyak. Gusto ko siyang aluin pero paano? Parehas kaming mahina. Kahit ang sarili ko ay hindi ko man lang maalo.




Tears started rolled down my cheeks. Tahimik akong umiyak. Mukhang napansin iyon ni Aris. He hugged me sideways. Lumingon ako sa kaniya. He just kissed my forehead na siyang mas lalong nagpaiyak sa akin.



Hindi ko kaya... Parang pinipiga ang puso ko. Magkasama pa kami ni Jasper no'n eh tapos biglang ganito na lang ang nangyayari.


Kumalas ako sa pagkakayakap ni Aris nang bumaling sa direksyon namin si Tita. She wiped her tears at dahan-dahang lumapit sa amin ni Caitlin.


Sailing Back Into Your ArmsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon