Chapter 7
"I'm taking business management, Dad." I said with finality as I sipped on my milk.
Kumunot ang noo ng aking ama. "You sure, hija? I thought nursing ang kukunin mong course pagtungtong ng college?"
I smiled at him and shooked my head. He's very supportive.
"Narealize ko lang na walang magta-take over sa hotel kung wala ka Dad. Gusto ko rin naman na ako ang mamahala ng Villa Hotel." lintaya ko at tumango naman siya habang nangingiti.
"That's good to hear then. Pero anak if napipilitan ka lang please don't... 'Wag mong piliti okay? I'll support you anyway."
"I love you, Dad."
"I'll go now. Take care, mmkay?" tumango ako.
Matapos kong kumain ay dumiretso na ako sa labas para sumakay sa SUV namin.
Nang makarating ng classroom ay bunganga agad ni Jasper ang bumungad sa akin. Hindi pa nga ako nakakaupo ay pinaghahampas niya na ako sa sobrang kilig.
"Girl! Hindi mo naabutan yung kanina!" pahisteryang sambit nito.
"Teka lang naman! Paupuin mo muna ako." tugon ko na medyo naiintriga na rin sa sinaad nito.
I place my bag on top of my table and sat sideways facing Jasper. Magkatabi kasi kami ng table.
Marami-rami na kami sa loob ng silid, lecturer na lang and hinihintay namin.
"Ano ba 'yon?" I asked out of curiosity.
Nginisihan niya ako. "Napadaan kanina dito si Aris! Tapos ang pogi niya tangina bebs!"
"Talaga?" gulantang ko.
Ariviel Carl Lazaro is my long time crush. Bukod kasi sa matalino na, pogi pa and... sobrang hot! Hindi lang mga estudyante ang nagkakagusto sa kaniya pati pa ang teachers and professors din.
Nga lang, ang ayaw ko minsan sa kaniya ay ang pagiging suplado nito. Graduate na rin siya sa University na 'to kaya ang hindi ko maintindihan ay kung bakit napapadalas ang pagpunta niya rito.
"Tapos, hinanap ka niya." Jasper added na ikinagulat ko. "T-talaga? May gusto na ba siya sa akin?!"
Kaya ba napapadalas ang pagpunta niya rito dahil sa akin?
Agad akong binatukan ni Jasper. "Gaga. Assuming ka teh! Gusto niyang kausapin ang class president at ikaw 'yon!"
Pinandilatan ko siya ng mata at inirapan.
Masama bang mag-assume minsan? Tss.
"Bakit raw?" I asked.
"Teka lang, nakalimutan ko--" si Jasper at hinanap ang vice president namin. "Hoy Sumemplang! 'Lika rito!"
Baliw talaga ang babaeng 'to! Sumalpong kasi 'yon, hindi Sumemplang.
Lumapit si Jesser sa amin. Pasimple niyang inayos ang malaking nitong salamin.
"Ano nga ulit 'yong sinabi ni Fafa Aris?"
I scoffed at Jasper. Umikot muli ang mga mata ko. Seriously? Fafa? Gosh! Sa dinami-daming pwedeng itawag kay Aris talagang Fafa pa.
"Ang sabi niya, pumunta raw ang class president sa room 102 mamayang after class. Ang pagkakaalam ko mga klase lang na hinahawakan ni Sir Chad." she said, looking at me.
"Bakit kaya?" puna ni Jasper na naguguluhan.
Dumating ang lecturer namin sa chemistry kaya umayos na ako ng upo.
BINABASA MO ANG
Sailing Back Into Your Arms
General Fiction[COMPLETED] --- Zharia Amore Villarica was given a big responsibility and that is to manage and become the CEO of their own hotel, the Villa Hotel. Her life sucks. Namatayan ng ama, walang kinagisnang ina, at walang mga kapatid. Nasanay ng mamuhay n...
