Chapter 28
Wearing a simple white dress, naglalakad-lakad ako sa dalampasigan habang tanaw ang pasikat na haring araw. Huminto ako matapos at dinama ang maalat na amoy ng dagat. Hindi ko man lang napansin na ganito rin kaganda ang sunrise. Sunset lang talaga ang napapansin ko no'n.
Siguro kung hindi ako maagang umalis sa ancestral house ni Aris hindi ko ito mapapanood. Nasa likuran ko ang dating Villa Hotel na ngayon ay sirang-sira at lugmok na. Wala pa akong plano kung ano'ng gagawin ko rito. Hindi rin naman ako makapagsimula muli dahil wala na rin akong gano'n kalaking halaga.
I sat down on the thin white sands. Pinatong ko ang ulo ko sa tuhod habang nakapulupot rin ang braso ko rito.
"Zhari!" bahagya akong napatalon sa taong tumawag sa akin.
"Aris, anong ginagawa mo rito?" tanong ko nang makalapit ito sa gawi ko.
His brows furrowed, his jaw are clenching and he stared at me with those dark eyes.
"Kanina pa kita pinapahanap. Hindi ka man lang nagpaalam." he said sternly as his gaze remained intense.
Sinundan ko ito ng tingin nang lumuhod siya at matapos ay umupo sa tabi ko. Hindi man lang natanggal ang tingin nito sa akin.
"How did you get here?" he then asked.
Nag-iwas ako ng tingin bago sumagot. "Naglakad."
"What?!"
"Bakit?" takang tanong ko. Alam kong hindi ako nakapagpaalam kasi ang sabi ng tagalinis nila ay baka natutulog pa ito kaya hindi ko na inistorbo pa pero bakit ganito na lang siyang umasta?
Mas lalo lang dumilim ang mukha nito. "Anong bakit? Pinag-alala mo 'ko! I thought... I thought you left me..." humina ang boses nito sa dulo. Gulat man sa sinabi nito ay nag-iwas na lamang ako ng tingin.
Hindi ko maintindihan. Hindi naman niya kailangan pang mag-alala sa akin.
"Wala namang tayo para mag-alala ka sa 'kin ng ganiyan, Ari— Engineer Lazaro."
"Seriously, Zhari? Engineer Lazaro?" he laughed with no humor in it.
Napasinghap ako ng hangin. Nang tumayo ako ay gano'n din ang ginawa niya. He stared at me coldly. Now, I'm confused. Sinabi ko lang naman ang totoo, ah? Bakit parang galit yata siya?
"Hindi mo talaga napapansin o nagpapanggap ka lang?" biglang saad nito na siyang nagpagulat sa akin.
"What? What do you mean?"
Matagal bago siya nagsalita. "I still love you, Zhari..." sinabi niya iyon ng sobrang rahan. I was stunned. Napatitig ako sa mga mata nitong diretso ang titig sa akin at namumungay. His lips twitched.
"You...what?" napakurap-kurap ako. Ilang beses rin akong napalunok.
Ano raw? Putangina, he still loves me?
"Pinagsasabi mo?" gulantang ko. Hindi rin magets ang sinabi nito. Hindi pumoproseso sa utak ko!
"Pinagsasabi ko?— 'yan din ang sinabi mo sa akin no'ng huli." he said frustratedly. Mariin itong napapikit at nang nagmulat ay salubong ang mga makakapal nitong kilay.
![](https://img.wattpad.com/cover/362141752-288-k102572.jpg)
BINABASA MO ANG
Sailing Back Into Your Arms
Genel Kurgu[COMPLETED] --- Zharia Amore Villarica was given a big responsibility and that is to manage and become the CEO of their own hotel, the Villa Hotel. Her life sucks. Namatayan ng ama, walang kinagisnang ina, at walang mga kapatid. Nasanay ng mamuhay n...