Chapter 19

63 6 1
                                    

Chapter 19




Nang paalis na ng library, napadaan kami sa soccer field. Napagdesisyunan kong dito na lang kami. Bukod sa marami at punuan ang mga estudyante sa cafeteria dahil nga lunchtime ay ayaw ko rin doon lalo pa't kasama ko si Aris.

Malamang kami ang topic ng bawat table do'n.

Naupo kami sa may bench. Hindi rin naman masyadong mainit kaya may mga estudyante ring naglalaro.

Pinatong ko ang notebook sa may tuhod at magsisimula na sanang magsulat nang inagaw ito ni Aris mula sa akin.

"You should eat first. Ako na rito." matiim na saad niya.

Inabot niya sa akin ang pagkain galing sa paper bag. I tried to maintain a straight face pero parang wala lang 'yon dahil ramdam kong namumula na parang kamatis abv pisngi ko.

Damn it!

Ba't ba siya ganito? Hindi ba siya aware na iba talaga ang epekto niya sa akin?

"Aris, pwede namang ako na ang magsulat niyan." nakangusong ani ko.

Paano ba naman kasi parang hirap na hirap siyang magsulat dahil sa posisyon nito.

Anong posisyon, Zhari????

Basta ang ayos niya. Wala kasing table.

Sinulyapan niya ako. "Nah-ah. Kumain ka lang diyan. Ako na bahala rito."

Mas lalo lang humaba ang nguso ko. Habang kumakain, pinagmamasdan ko lang siya.

Malinis at maganda ang penmanship nito hindi tulad ng sakin na parang dinaan pa yata ng bagyo at ilang baha.

"Kumain ka na?" tanong ko kalaunan habang nakatitig sa magandang sideview profile nito. Ang tangos ng ilong niya, and his curly black eyelashes made him more attractive.

Daig pa ang ibang mga babae sa haba at natural nitong pilik-mata.

"Kumain na ako kanina no'ng binili ko 'yan." he answered while his eyes remained on the notes.

Dahil kain lang din naman ang ginagawa ko ay biglang bumalik sa akin ang mga sinabi ni Jasper tungkol kay Aris.

Hinahalikan siya ni Valentine sa pisngi. Totoo kaya iyon?

May parte sa aking naniniwala dahil ako mismo nakit ko na rin iyon.

No'ng nasa cafeteria kami at kung ano-anong mga salita ang binabato nila sa akin dahil nga ang akala nila girlfriend ni Aris si Valentine.

Pero kung hinalikan siya ng bruhang Valentine na 'yon ay dapat lang na umiwas siya.

Umiwas ba siya? I don't know and... I don't want to know.

Iwinaksi ko na lang iyon sa isipan ko. Ayaw ko namang pag-iisipan ng masama si Aris.

Tapos na akong kumain. Mag-aalauna na rin kaya kailangan ko ng bumalik sa classroom.

"Ihahatid na kita sa room niyo." he said seriously.

His hooded eyes darted at me after fixing our things.

Tatanggi na sana ako nang inunahan niya akong magsalita. "And you'll come with me later, after your class."

Nangunot ang noo ko. "Saan naman tayo pupunta?"

He licked his lower lip. Mahina akong napasinghap.

Kalmahan mo lang Aris! Jusko ka!

"Sasabihin ko sayo mamaya. For now, ihahatid na muna kita sa room niyo."

Sailing Back Into Your ArmsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon