Chapter 30

56 6 1
                                    

Chapter 30




"Thank you, ma'am!" maligayang sambit ni Tasha sa isang customer na kalalabas lang. "Napansin kong dumarami na rin ang customers mo, Zhari."


Tipid akong ngumiti. "Kaya nga thankful ako dahil kahit papaano may bumibili rito sa boutique ko."




"Asus! Sino naman ang hindi bibili eh ang gaganda ng mga benta mo!" asik nito na ikinatawa ko. Natatawa ko siyang inilingan. Isang pinay si Anastasia, naging magkaibigan kami simula no'ng kinuha ko siya bilang trabahante dito sa boutique. Wala kasi siyang mahanap na trabaho dito sa Seattle kaya kahit hindi naman gano'n kalaki ang kinikita ko ay kinuha ko pa rin siya.





Nagsimula na kaming magligpit ng kani-kaniyang gamit. Maaga kong isasarado ngayon ang boutique dahil kailangan ko pang maggrocery. No'ng paalis ako kanina sa bahay ay napansin kong wala na masyadong stock ang refrigerator namin.



"Uuwi ka na ba agad?" tanong ko rito.



"May dadaanan muna ako." tumango lang ako sa naging tugon nito. Nauna na siyang umalis. Matapos kong maisarado ang boutique ay nagpara ako ng taxi. Kung pwede lang sana lakarin ang mall kung saan may grocery ay ginawa ko na kaso baka gabihin pa ako ng uwi.




May lakad pa naman sina Caius at Lucian kaya walang magbabantay kay Aia.





Mabilis ang lakad ko papuntang grocery store. Inuna kong nilagay sa cart ang mga importanteng bilhin at sunod naman ay ang para kay Aia. Wipes, tissues, diapers at gatas.



Wait—wala na bang gatas si Aia? Nang hindi ko maalala ay sinama ko na lang gatas. Baka kasi wala at kailangan ko na naman bumalik para bumili. Mas mabuti ng isahan na lang.




"Thank you," saad ko sa kahera matapos ibigay sa akin ang mga pinamili ko.



Mabilis lang din ako nakarating sa bahay. Nang makapasok ay bumungad sa akin si Lucian. He smiled and kissed my cheek. "Ang dami naman yata 'yang mga pinamili mo."



Tinulungan niya akong dahil sa kitchen ang mga dalang supot. Hiniwalay ko naman ang kay Aia. "Konti lang nga 'yan saka isa pa, paubos na rin ang stock natin."




"I'll be the one to put this in the fridge," he said. I responded with a slight shake of my head. I knew he just came from work, so he's probably tired.



"Ako na, Lu."



"Hindi na. Aia is waiting for you, kaya mas mabuti pang puntahan mo na siya. She's with Caius."



Wala na akong nagawa kaya hinayaan ko na lang ito. From the stairs, I could already hear Aia's cute and hearty laughter. I peeked into Cai and Lu's room. There, my daughter was trying to walk back and forth.  Nakabantay naman si Caius kung sakali mang matumba ito.


"Hi there baby girl," maligayang usal ko. She turned her gaze to me at malakas na napatili. My smile widened. Mabilis itong naglakad patungo sa direksyon ko kaya no'ng malapit na siyang matumba ay agad ko namang nasalo.



"M-momma!"


Dahil sa narinig ko rito ay mahigpit ko siyang niyakap at kinarga. "Namiss mo ba si Momma, hmm?" cute na tawa ang tinugon nito sa akin.



Cai neared me while a small smile plastered on his lips. He kissed my right cheek.




"Maaga kang nagsarado?" he asked. Bumaling ito kay Aia na mukhang natutulog na. Sa pagod yata kaya nakatulog agad.




Sailing Back Into Your ArmsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon