Chapter 11
Tuesday came and kakadismiss lang sa 'min ng lecturer namin sa last sub. "Saan ka maghihintay sa sundo mo?" Jasper asked after fixing her things.
Sasagot na sana ako nang tumunog ang phone ko mula sa bulsa. It's from Aris.
Poging Suplado:
Sa waiting shed na ako maghihintay.
Napangiwi ako sa text nito. Wala man lang emoji? Napakacold. Nagkasundo kasi kaming sa SUV namin na siya sasabay para less hassle na lalo pa't wala naman daw daw siyang gagawin after class.
Sumulyap ako kay Jasper habang nagtitipa ng mensahe para kay Aris.
"Sa waiting shed."
Ako:
Going na ako. :)
"Edi magsabay na lang tayo. Doon ko rin hihintayin ang sundo ko."
Gulantang ko siyang binalingan. No. Nando'n si Aris! "Huh? 'Wag na!" bulalas ko.
She creased her forehead. Binatukan niya ako. "Crazy ka girl? Anong 'wag? E sabay naman tayo minsan do'n naghihintay."
Nauna na itong lumabas ng room kaya sumunod na rin ako habang kagat-kagat ang labi.
Hindi niya naman siguro mapapansin? Tama! Think positive, Zhari.
Ay punyeta! Pero paano naman kung maunang dumating ang sundo ko? Edi tatadtarin niya na ako ng mga tanong, tapos hindi niya ako titigilan hanggat hindi ko sinasabi ang totoong dadahilan.
God gracious. 'Wag naman sana. Ano na lang ang iisipin ng mga kaklase ko kapag ka gano'n? Mabuti sana kung hindi siya ang substitute teacher namin sa physics!
Habang naglalakad sa daan ay rant ng rant itong si Jasper samantalang ako ay wala man lang maintindihan dahil nag-iisip na ako ng pwedeng eksplanasyon para mamaya.
"Punyeta ka. Nakikinig ka ba?" irita niya akong hinampas.
"Wala akong maintindihan. Ang bilis mong magsalita."
Hinampas niya naman ako ulit. Tangina kanina pa 'to hampas ng hampas.
"Ngayon ka pa nagreklamo e matagal na akong ganito magsalita!"
Nginiwian ko lang siya.
Nang makarating sa waiting shed, nando'n na nga si Aris. He's wearing a white v-neck shirt paired with faded maong pants and his hair is a bit messy.
Napakaattractive niya. Shutangina.
Tumabi all sa kaniya pero biglang sumingit si Jasper. Pumagitna sa amin.
"Hi sir! malapad ang ngiti ng aking kaibigan habang nagpapacute kay Aris. Ngumuso ako.
"Hi." pormal na ani Aris.
Alam kong hindi niya naman siya nakatingin kay Jasper dahil lumalagpas ang titig nito. He's looking at me!
"Ngayon lang kitang nakitang naghihintay dito, Sir." sambit ni Jasper na nagpaiwas ng aking tingin.
Yung mga mata ko nasa kalsada pero 'yong Tenga ko ko nasa kanila. Taray! Multitasking tawag do'n.
"May kasabay ako kaya..." bitin nitong tugon. Naghintay akong idudugtong niya but it didn't came.
Tumawa si Jasper at lumapit ng bahagya sa akin para bumulong. "May girlfriend na ata si Sir."
Namimilog ang mga ko siyang tiningnan. "Wala 'no! Hindi gano'n 'yon!" I burst out.
BINABASA MO ANG
Sailing Back Into Your Arms
General Fiction[COMPLETED] --- Zharia Amore Villarica was given a big responsibility and that is to manage and become the CEO of their own hotel, the Villa Hotel. Her life sucks. Namatayan ng ama, walang kinagisnang ina, at walang mga kapatid. Nasanay ng mamuhay n...
