Chapter 23
Lunes pa lang ay sobrang busy ko na, lalo pa no'ng tumungtong ang araw ng miyerkules. Mabuti na lang bukas pa ang dating ng mga candidates para sa event.
Nga lang, nagsidagsaan naman ang mga turista at iba pang mga tao. Itong upcoming event ay isang malaking tulong para sa pagboost ng Villa Hotel.
"Ma'am Zhari, may naghahanap po sa Inyo." si Alya nang pumasok ako ng reception hall. Galing pa ako sa mansion para Kunin ang mga papeles at laptop na naiwan ko pa sa kwarto ko. Ayaw ko ring mang-utos dahil sobrang dami na ring ginagawa ng mga tao ko.
"Sino?"
Pero bago pa makasagot si Alya ay may humampas na sa akin. I rolled my eyes at Jasper who's now grinning and smiling widely.
"Anong ginagawa mo dito?" takang tanong ko rito.
My eyes drifted on the man behind her. My jaw dropped and I can feel that my eyes formed an 'o'.
"Kino?" gulantang ko, hindi makapaniwala. Nagpalit-lipat ang tingin ko sa dalawa. Gosh?! Are they getting back together na? Akala ko ba hindi niya babalikan ang ex niya?
"Long time no see, Zhari." si Kino at inilahad ang kaniyang kanang kamay. Tinanggap ko naman iyon kahit na halata pa rin ang gulat sa aking itsura.
"Kailan ka pa nakauwi?" tanong ko rito.
"Three days ago, I guess. Hindi ko na masyadong maalala dahil ang dami kong inasikaso pag-uwi ko." mahabang lintaya nito. Tumango naman ako bago bumaling sa kaibigan na parang uod dahil sa inaasta nito.
Palihim ko 'tong hinampas at pinandilatan ng mata. Wala siyang binabanggit sa akin ang tungkol dito. Tumulin ang nguso nito at kumapit sa matitipunong braso ni Kino.
"By the way, where's Aris?" Kino asked. May multo itong ngiti sa labi. I cleared my throat before answering.
"Nasa kabilang dako." maiksing sagot ko. Alam kong nakuha niya naman ang ibig kong sabihin.
Matapos ng kamustahan ay nagpaalam na silang dalawa. They booked a VIP room at talagang sa iisang room lang talaga sila! Gustuhin ko man tadtarin ng mga tanong si Jasper ay pinipigilan ko na lang ang sarili at hinayaan itong sumama sa kay Kino.
Papalubog na ang araw nang sumakay ako sa bangka. Si Mang Santino ang nagmamaneho nito. Actually, we have boats para sa mga taong palipat-lipat ng isla. Mas marami pa ring turista na nags-stay sa kabilang isla dahil sa mas magandang buhangin nito kahit na may nangyayaring construction do'n.
Laging pumapasok sa isipan ko kung bakit nagawang ibenta ni Aris ang isla na iyon. Bigay iyon sa kanila kaya sana pinahalagahan niya naman.
"Maraming salamat po." ani ko kay Mang Santino.
Ginawaran niya ako ng malapad na ngiti.
Wearing my floral blue dress, marahan akong naglakad sa mapipinong buhangin.
My eyes drifted on the man standing in front of the Villa Hotel. I swallowed hard bago ito naisipang lapitan. His deep-set eyes darted at me.
He shifted on his weight.
He's wearing white polo na sobrang hapit sa nanlalakihang biceps nito. Gosh! Zhari, ano ba? 'Yan talaga ang napansin mo!
"Good afternoon Engineer Lazaro." hindi ito sumagot at nanatiling nakatitig sa akin. Papalubog na ang araw kaya balak ko sanang dito na lang muna magstay. Kahit maraming turista ay hindi pa rin naman gano'n kafully booked ang hotel.
BINABASA MO ANG
Sailing Back Into Your Arms
Ficción General[COMPLETED] --- Zharia Amore Villarica was given a big responsibility and that is to manage and become the CEO of their own hotel, the Villa Hotel. Her life sucks. Namatayan ng ama, walang kinagisnang ina, at walang mga kapatid. Nasanay ng mamuhay n...