Chapter 25
Hindi ko alam saan ako dinala ni Aris. Tulala akong nakaupo sa mahabang sofa. Hindi ko alam kung ilang minuto o oras na kami nandito. Nakikita ko siyang laging may katawagan sa cellphone nito. Lagi siyang bumabaling sa akin na may nag-aalalang tingin. Hindi ko naman siya masuklian ng tingin dahil nakatitig lang ako sa kawalan.
"Aris, anong nangyari?!" biglang bumukas ang pinto sa kung saan at alam ko kung sino iyon.
Si Andrei.
Rinig ko ang mabibigat nitong mga yapak na lumapit sa direksyon ko.
"Zhari? Hey..." Tinapunan ko lang siya ng blangkong tingin.
Hindi ito nagsalita at matapos ay bumaling kay Aris na ngayon ay nakaupo sa tabi ko. "Tell me. Paano nangyari 'yon? Mabilis na kumalat sa balita ang nagyaring pagsabog."
"Hindi ko pa rin alam kung sino ang may kagagawan nito. But, I'm still trying to figure these things out."
"Magiging mahirap ang magiging imbestigasyon nito."
Nagpatuloy ang pag-uusap nila pero tumigil lang kalaunan nang bigla muling may pumasok. Mabilis akong napatyo nang makita ko si Caitlin at Kino.
She looked at me worriedly samantalang puno ng galit naman ang mga mata ni Kino.
"C-Caitlin..."
"Are you okay? Hindi ka ba nasaktan? Nabalitaam ko kasi ang nangyari kaya sumabay na ako kay Kino." anito. "Si Jasper? Saan siya?"
Malakas akong napahagulgol. "Iniwan ko siya! I-Iniwan ko siya doon..."
Ang mga kamay niyang nakahawak sa braso ko ay mabilis na kumalas. "Nagbibiro ka lang naman Zhari, hindi ba?"
Malakas at walang tigil ang pag-agos ng mga luha ko. Wala akong kwentang kaibigan. Hindi ko binalikan si Jasper. Hinayaan ko siya doon. Hinayaan ko ang mga tao ko doon.
"I-Im s-sorry..." mahina at utal-utal kong sambit.
Caitlin embraced me, and tears filled the silent room. My knees gave way, feeling weak, and my hands went numb. Mabilis na bumaling ang mga mata ko sa isang susi sa glass na lamesita sa harap namin.
Kumalas ako sa pagkakayakap at mabilis na dinampot ang susi. I'm sure it's the black SUV's key. Hindi ako nagkakamali.
"Zhari!" rinig kong sigaw nila nang mabilis akong tumakbo palabas.
"Zhari! Saan ka pupunta?!" si Aris na mabilis na nakasunod sa akin. I kept running hanggang sa makapasok ng SUV. Hindi ko siya hinayaan na makapasok man lang sa itim na SUV dahil alam kong pipigilan niya lang ako sa pag-alis.
Hindi pwedeng nandito lang ako at walang gagawin. Kailangang kong bumalik doon at hanapin ang kaibigan ko at ang iba pang mga tao.
Mabilis ang naging pagpapatakbo ko. Hindi alintana ang ibang mga sasakyan.
Nang makarating sa Villa Hotel ay maraming mga taong nakapaligid rito. I saw some ambulances, police and SWAT.
Mabilis akong bumaba at lumapit sa mga ambulance. My tears started to roll down my cheeks when I saw some of the dead body na parang halos hindi na makilala. Nakalantad sa mabuhangin ang mga patay na katawan. Nakatakip ng puting tela ang iba sa kanila. Ang iba ay pinasok sa loob ng ambulansya.
BINABASA MO ANG
Sailing Back Into Your Arms
Ficción General[COMPLETED] --- Zharia Amore Villarica was given a big responsibility and that is to manage and become the CEO of their own hotel, the Villa Hotel. Her life sucks. Namatayan ng ama, walang kinagisnang ina, at walang mga kapatid. Nasanay ng mamuhay n...
