Chapter 32
I smiled at the customer bago inabot ang pinamili nito at nagpasalamat. Malapad ring nakangiti si Tasha at sabay naming sinundan ng tingin ang kalalabas lang na customer.
"So, kailan ang alis mo kung gano'n?" tanong nito na ang tinutukoy ay ang pag-uwi ko sa Pilipinas.
Ngumiti ako bago nagsalita. "Next week. Ikaw na rin muna ang bahala sa boutique, Tasha."
"Asus! Syempre naman, maaasahan mo 'ko diyan. Walang problema." she said, then turned sadly to Aia. "I'm going to miss my godchild. Will you stay there for long?"
I sighed at her question. Sa totoo lang kahit ako ay hindi ko alam kung magtatagal ba ako sa Pilipinas. Kung hindi tatanggapin ni Aris si Aia ay sigurado akong babalik at babalik ako dito sa Seattle. Papalaguin ko na lamang ang business ko rito.
Uuwi ako sa Pilipinas hindi upang humingi ng pagmamahal niya, kundi upang sabihin sa kanya ang katotohanan na mayroon kaming anak. Inaamin ko na kahit sa dalawang taon ko dito sa Seattle, hindi nagdaan ang isang araw o gabi na hindi ko siya naaalala.
Hayst! Bakit ba ang hirap mo namang kalimutan, Ariviel Carl Lazaro?
In response to her question, I replied, "I'm not sure yet." But don't worry, I'll call you to check on you and the boutique."
"And don't worry, I'll take care of the boutique. I'm sure you'll be busy when you get back to the Philippines," she said, smiling gently.
Tumango lang ako at tipid na ngiti ang iginawad rito.
Nabaling ang atensyon namin sa glass door nang may pumasok. That woman again.
"Good afternoon, madam!" Anastasia greeted the woman cheerfully. My eyes briefly glanced at her, and fortunately, her gaze didn't meet mine or my child's, so I continued writing in my notes.
"Ay madam, uuwi ang boss ko next week sa Pilipinas kaya mag-isa na lang ako dito sa susunod-" Tasha's words were abruptly cut off as the woman turned to me in shocked and surprised.
"Uuwi ka ng Pilipinas?! Bakit?" bahagya akong napatalon sa gulat dahil na rin napalakas ang boses niya. Medyo gulat rin ang reaksyon ni Tasha sa biglaang pagsigaw ng babae. Tinapunan ko ng tingin si Aia, mabuti na lang busy ito sa kakalaro sa laruan niya.
Kunot ang noo ko nang tumingin sa babae. "Bakit ho? May-"
"S-sorry, uh... I'm sorry."agap nito nang medyo natauhan at mabilis na lumabas ng boutique. Mas lalo lang kumunot ang noo ko. Bakit nga ba siya umasta na parang kilala niya ako?
"Now, I really find that woman creepy and weird. The way she spoke earlier, it's as if she knows you, Zhari," Tasha commented. She glanced at me afterward. "Do you know that woman?"
I shooked my head. "Hindi, saka isa pa paano ko naman siya makikilala eh lagi siyang nakasuot ng mask."
Tumango-tango naman ito bilang pagsang-ayon. Kahit na lito sa inasta ng babae kanina ay pilit ko na lang iyon iwinaksi sa aking isipan.
Marami na ngang bumabagabag sa utak ko tapos dadagdagan ko pa?!
Hindi pa namin kami magsasarado nang magpaalam si Tasha na uuwi muna. Nakatanggap kasi ito ng mensahe sa kung kanino na may emergency raw sa bahay nila. "Ayos lang ba, Zhari?" nag-aalalang tanong nito.
Mabilis akong tumango. "Oo naman. Sige na..."
Hinalikan niya sa pisngi si Aia bago tuluyang umalis. Tumingin ako sa orasan. Hapon na at malapit na rin naman akong magsarado kaya nagsimula na akong ilagay ang ibang gamit sa dalang bag.
BINABASA MO ANG
Sailing Back Into Your Arms
General Fiction[COMPLETED] --- Zharia Amore Villarica was given a big responsibility and that is to manage and become the CEO of their own hotel, the Villa Hotel. Her life sucks. Namatayan ng ama, walang kinagisnang ina, at walang mga kapatid. Nasanay ng mamuhay n...
