Chapter 14

95 9 2
                                    

Chapter 14

Aris then started courting me. Nalaman iyon ng halos lahat. May ibang nagsasabi na inakit ko lang naman daw si Aris kaya niya ako pinursue. Iniignora ko na lang ang lahat ng mga negatibong salita na binabato nila sa akin.

Tinigilan na rin ako ni Spencer maybe because he also knew. I know he's scared with Aris kaya hindi na itong nagtangka pang magpatuloy sa panliligaw.

Si Jasper suportado sa panliligaw ni Aris sa akin. Si Caitlin naging alanganij pa no'ng una dahil nag-aalala ito para sa akin pero kalaunan sinuportahan niya rin.

I don't know but when he started courting, I really feel so alive na para bang ang kulang sa buhay ko ay napuna niya.

I'm happy... I'm happy because the man I'm in love with, likes me.

"Sabay pa rin tayong magl-lunch kahit na nililigawan ka no'ng si Aris." Caitlin said.

Nasa labas kami kumakain ng lunch. Sinadya nilang dito na kami sa labas maglunch, ayaw akong makarinig ng kahit ano na masasakit na salita galing sa ibang tao lalo na sa mga college students, though nasanay na rin na ako.

"Don't be ridiculous. Nagkasundo na kami ni Aris." saad ko at sumubo ng steak.

"Asus! Sagutin mo na kaya." si Jasper sabay sundot ng tagiliran ko. I rolled my eyes at her, laughing.

"Tumigil ka nga. Kaya nga naliligaw kasi nasa getting to know each other pa sila." pambabara naman ni Caitlin.

Hinayaan ko na silang magbangayan. Sa aming tatlo si Caitlin ang pinaka-cautious pagdating sa mga lalaki. Nagpaplano pa nga itong tumandang dalaga!

Gosh! Hindi ko ma-imagine ang sarili ko ten years from now na tigang na tigang. Juskoooo teh. Pass. Mag-aasawa ako 'no!

"Uy, Sumemplang!" tawag ni Jasper mula sa hindi kalayuan.

Muntik pang mabulunan si Caitlin sa kinakain dahil sa narinig na pangalan. Talagang itong si Jasper!

Punuan ang pinagkainan namin kaya itong si Jesser walang maupuan. May bakante namang upuan sa tabi ni Caitlin kaya inalukan na namin itong dito na lang maupo.

"S-salamat." she said, stuttering.

Dumating na ang in-order nito matapos at nagsimula ng kumain.

While eating, she keeps on glancing at me ngunit sa blankong ekspresyon. I find it creepy kaya hindi na ako nakapagpigil.

"Bakit?" nagtatakang tanong ko.

"May itatanong sana ako sayo, Zhari." usal nito.

May ibang pinag-uusapan sina Jasper at Caitlin kaya mukhang wala rin naman silang narinig mula kay Jesser.

"Ano 'yon?"

"Totoo bang nililigawan ka talaga ni Aris?" my forehead creased at the sudden question .

Is this why she keeps on glancing at me earlier? Nabo-bother ba siya na nililigawan ako ni Aris?

I made a straight face before answering. "Oo."

"May balak ka bang sagutin siya?"

Now, I looked at her with a hint of confusion. Mukhang napansin niya iyon.

Tumikhim ito. "Ayos lang naman kung hindi mo sagutin—" I cut her off.

"Oo." I answered firmly.  I saw how her eyes widened. Inayos nito ang malaking salamin bago tumango ng dahan-dahan.

Hindi ko alam kung ano ang Punto at dahilan niya kung bakit siya nagtatanong ng ganito. Well, baka curious lang siya?

Iwinaksi ko na lang iyon sa isip ko. Nang mag-uwian, nasa parking lot na si Aris naghihintay. Hindi na 'ko nagpapasundo sa driver namin. Gusto niya kasing siya na ang sumundo sa akin tuwing uwian.

Sailing Back Into Your ArmsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon