Chapter 2

21.9K 273 46
                                    

“I'm Elvira, but you can call me Vira.” I held out my hand and gave him my sweetest smile.

Lalong lumawak ang ngiti ko nang makipagkamay rin siya sa akin. God, ang laki ng kamay niya!

I couldn’t help but look at his large, veiny hands. He has nice… big hands and long fingers. And gosh, those veins… It’s so hot… Sayang lang hindi ko makita ang karugtong noon dahil sa sleeves ng suot niya. But I’d love to see them in the future.

“Roilan…” his baritone voice sent shivers down my spine. It echoed in my head repeatedly.

Even his voice is so damn guwapo! Parang wala siyang kahit anong kapintasan. Lahat ay maganda sa kanya. He’s really the most beautiful man I’ve ever seen in my entire life! Ever! Pumapangalawa lang si Sandro!

He has strong brows, deep-set eyes that look deeply into your soul, pointed nose, red lips… And damn those strong, defined jawlines! 

He looks calm and has a gentle aura. I don’t know how to explain it… Like he looks rough and hard because he has a muscular body, but there’s something about him that makes me think he is kind and gentle. If that makes any sense.

“Bakit hindi ka na lang nagbook ng flight, Roilan? Ang tagal ng byahe mo. And where’s Leandro?” tanong ni Lola Aurelia.

“May dinaanan po kasi ako sa Ragay. And Leandro’s busy with the company. Baka hindi po siya umuwi rito…”

“Masyado atang pinaparusahan ni Leandro ang sarili niya sa pagta-trabaho. Hindi na nagpapahinga.”

“I’ll talk to him, ‘Ma. Don’t worry about Leandro,” si Tita Lesandra.

“Please, Lesandra... Tell him to visit me soon. Miss ko na ang apo kong iyon. Dalawang taon na rin ang nakakalipas noong huling umuwi siya rito, pagkatapos noong—kung hindi pa ako luluwas ng Manila, hindi ko pa siya makikita. Anyway, kumain na tayo. Baka gutom na si Elvira. Halika na, hija…” Lola Aurelia turned to me. “Where’s Sandro by the way?” she said then look around.

“Nasa taas siguro, ‘Ma,” sagot ni Tita Lesandra at nagtawag ng kasambahay. “Lira? Pakitawag si Sandro. Baka nasa taas. Pakidala na rin ng mga maleta ni Elvira sa kanyang kuwarto. Patulong ka sa iba.”

I watched them take my five luggage and carry them upstairs. Medyo nahirapan pa sila dahil mabibigat iyon. Nahuli ko pa si Roilan na nakakunot ang noo habang nakatingin doon.

“Si Adria po?” Roilan asked as we walked towards the grand dining room.

“She’s still in Naga. Bukas pa uwi niya,” sagot ni Tita Lesandra.

I watched him in my peripheral vision as he took off his coat and necktie and gave it to one of the maids. Tuluyan nang humarap ang mukha ko sa kanya habang naglalakad. He looks so hot as he removed the cufflinks of his dress shirt and rolled his sleeves up to his elbow.

I finally saw his veins! Only on his forearms, but damn! It’s hotter than I thought.

Mabilis akong umiwas ng tingin nang lingunin niya ako. Muntik pa akong mabunggo sa likod ni Lola Aurelia na mabagal na naglalakad sa unahan. Saka lang ako dumiretso ng tingin at kinakabahan.

There’s a large carpet in the dining room. Wooden chairs, long wooden rectangular dining table topped with a classic chandelier that hangs from the high ceiling.

Kahit ang dining room lang ay nagsusumigaw na ng karangyaan. Pero parang gusto kong umatras nang makita na puro lutong gulay lang ang nakahain sa mahabang lamesa.

Lola Aurelia sat at the head of the table. Magkatabi kami ni Tita Lesandra. Sa harap ay si Roilan. Si Sandro naman ay wala pa.

Lumapit ang batang kasambahay na si Lira kay Tita Lesandra at may binulong. Tumango naman ang ginang.

Siverio 2: Roses and Thorns Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon