Chapter 26

15.1K 188 27
                                    

“Fucking shit. Sobrang guwapo!”

“Sarap niyan!”

“Matinik siguro ‘yan sa kama!”

“Sarap maging virgin uli kung iyan ang makakauna sa akin!”

Malalim na ang kunot ng noo ko habang nakatingin sa basong hawak ko na may lamang alak. The girls wouldn’t stop talking about him. And I feel pretty uneasy about the inappropriate things they're saying about him. Parang gusto kong busalan ng pagkain ang mga bunganga nila. Kanina pa talaga ako naiirita sa mga ‘to.

“Ano kayang pangalan? Taga rito kaya ‘yan sa Cebu?”

“Siverio daw ‘di ba? Apelyido niya ata?”

“First name niya kaya? Ia-add ko sa facebook!”

“Tanungin natin si doc mamaya!”

Kaya nang bumalik sa table namin si Dr. Vergara, walang hiya-hiya at agad nilang tinanong ang pangalan ni Roilan.

“Doc, ano pong pangalan no’n? ‘Yung kausap mo po sa kabilang table?” si Pamela.

Kumunot ang noo ni doc at nilingon muna ang kabilang table bago sila sinagot. “Ah, si Engineer? That’s Roilan Siverio. Why?”

“Magkaibigan kayo doc?” nangingiting tanong ni Yana.

“Well, he’s a family friend. May mga common friends din kami sa Manila.”

“May girlfriend na po kaya doc?”

Nagtaas ng kilay si doc sa naging tanong ni Kaye. “Isang babae lang ang nabalitang naging girlfriend niyan. Noon pa. Narinig ko lang. Celebrity raw. Hindi ko lang alam ngayon.”

Kumalabog ang puso ko. Roilan never had a girlfriend until he met me. Ako ang una niya. Sigurado ako roon. He was never seen dating anyone. Kaya ikinagulat ng lahat ang mga nakitang pictures namin noon sa magazines, na kuha sa isang event na pinuntahan namin sa Bicol. At alam kong ako ang tinutukoy ni doc na naging girlfriend ni Roilan.

Naging usap-usapan noon ang mga nakuhang pictures naming dalawa. Hindi ko alam na malaking balita pala iyon. Hindi ko naman kasi masyadong inisip iyon noon. Marami pala talagang nakaalam. Even Dr. Vergara knows about it.

But what about Claire Fernandez? Hindi ba’t naging usap-usapan din sa social media ang nakitang picture nila noon sa Laguna?

“Matagal na po? Kung matagal na, malamang break na ‘yun.”

“Why? Do you guys like him? You don’t wanna get your heart broken. Basted lahat ng mga nagtangkang umamin d’yan. He’s a bit reserve. Seryoso sa buhay. Workaholic. Mahirap magkaroon ng kasintahan na workaholic.”

“Why doc? Workaholic ka rin po at seryoso sa buhay. E ‘di mahirap kang maging boyfriend?” walang hiyang tanong ni Kaye.

Ngumisi si doc. “Well, I’m different. I can always make time. Basta sa babaeng mahal ko, kaya kong magbigay ng oras,” he said while looking at me.

Kinilig naman ang mga kasama ko. Inasar-asar nila si doc na parang close na close na sila. Kumunot naman ang noo ko. I suddenly felt uncomfortable so I looked away.

Napasulyap ako kina Roilan. I caught him looking at me. Napaiwas din agad ako ng tingin dahil sa mas dobleng kaba na naramdaman. Ngumuso ako at tumingin ng oras sa relo ko. Gusto ko nang umuwi para makapagpahinga na.

Medyo tipsy na ang mga kasama ko. Malalim na rin ang gabi at lumabas na ang banda para tumugtog. Maingay na ang paligid. And I’m a bit sleepy na rin. Dahil na rin sa pagod at alak kaya siguro maaga akong inantok. Gustong-gusto ko na talagang umuwi.

Siverio 2: Roses and Thorns Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon