Chapter 31

12.1K 145 33
                                    

Roilan Siverio:

I ordered dinner for you in a nearby restaurant. Kumain ka muna bago ka matulog.

I chewed on my lower lip while reading Roilan’s message. At wala pa ngang ilang segundo ay muli siyang nagpadala ng isa pang mensahe.

Roilan Siverio:

Hindi ako pupunta kina mayor. Nandito ako ngayon sa site. May kinuha lang. Uuwi rin ako agad sa hotel na tinutuluyan ko.

Tinitigan ko lang iyon. Hindi ko binubuksan. Sa notification bar ko lang binabasa. I let a minute passed when my phone beeped again for a new message.

Roilan Siverio:

Is it okay if I see you tomorrow?

Napasinghap ako. Ramdam na ramdam ko ang pagbilis ng tibok ng puso ko na parang hinahabol. Ilang segundo siguro akong tulala sa mensahe niyang iyon at hindi alam kung paano magre-reply. I was contemplating if I should reply or not, pero sa huli, binuksan ko ang message niya. I breathed heavily before typing my reply.

Vira Aluarez:

Busy ako. I’ll be in school the whole day tomorrow. Salamat sa pagkain.

He replied immediately. Halos mapasinghap ako sa bilis niyang magreply.

Roilan Siverio:

Next time, then. When you’re not busy.

Hindi na ako nagreply sa kanya at inilapag ang cellphone ko sa couch. I checked the foods that he ordered for me and wondered how much they cost. Ang dami niyang binili. Galing pa sa isang sikat at mamahalin na restaurant.

There is a kaldereta again and some filipino dishes and rice. Hindi ko naman naubos lahat ng iyon. Itinabi ko ang iba sa ref para makain pa sa susunod na mga araw. Iinitin na lang. Ayos na rin para ‘di na ako magluluto dahil hindi ko na talaga magawa iyon sa sobrang abala ko.

I was busy the following day like what I told him. Maghapon ako sa school para um-attend ng ilang natitirang subjects at practice para sa graduation. Nang sumapit naman ang uwian ay diretso agad ako sa apartment.

Madilim na nang makauwi ako. Pinatunog ko ang alarm ng sasakyan ni Dani bago ako nagtungo sa harap ng apartment. Naabutan ko uli si Aling Pedra na tumatawa na naman habang nanunuod sa kanyang cellphone. Isang beses niya lang ako sinulyapan at bumalik din ang tingin sa kanyang cellphone habang tumatawa. Ang lakas ng mga halakhak niya na pakiramdam ko’y rinig sa buong building.

“Tingnan mo, nakakatawa,” sabi niya pa at hinarap sa akin ang kanyang cellphone na may video na nagp-play pero malabo naman.

Tunog ng sasakyang parating sa aking likuran ang narinig ko. Automatic na napalingon ako roon dahil sa pamilyar na tunog noon. My heart thundered in my chest when I saw the familiar car of Roilan.

I almost choked on my own saliva when I saw him getting out of that car that he parked in the parking space. Looking so dashing and handsome.

He’s like a greek god while walking in the dark, eyes staring directly at me in a cold, brooding way. The scene is very dramatic. Like it was scripted. Medyo madilim pero sapat na ang ilaw mula sa building at ilang mga poste para magbigay ng liwanag. A light cold breeze is blowing. Panira lang ang maingay na cellphone ni Aling Pedra na kung anu-ano ang pinapanuod.

He’s wearing a white dress shirt, with top buttons undone and sleeves rolled up and folded up to his elbows. I stared at his veiny arms for seconds before my eyes went down. His black slacks look so good on him. Ang tangkad niyang tingnan lalo dahil doon. I can see his black belt peeking. My eyes suddenly went lower and wild scenarios formed in my head. Nahinto lang ako sa pag-iisip ng kung anu-ano nang biglang nagsalita si Aling Pedra.

Siverio # 2: Roses and Thorns Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon