Chapter 32

15.8K 211 64
                                    

"Okay na 'yan..." pigil ko sa kanya nang madami siyang nilagay na kanin sa plato ko.

Nag-angat siya ng tingin sa akin. Tumango siya at naglagay naman sa kanyang plato. Pinaglagay niya rin ako ng ulam. Wala naman akong ibang ginawa kundi ang manuod at hayaan siyang pagsilbihan ako.

I felt my cheeks burning as I imagined him being a husband to his wife. I wonder if he will still be like this when he gets married. Kung pagsisilbihan niya rin ba ang magiging asawa niya katulad ng ginagawa niya sa akin?

I'm sure he will be a great husband...

"You should eat more... Parang mas pumayat ka ngayon kaysa noong huling kita natin," he said while putting some kaldereta on my plate.

Napanguso ako ng kaunti. "Naging busy lang ako nitong nakaraan. Pero medyo maluwag na sched namin ngayon kaya makakakain na ako ng tama sa oras. Malapit na graduation namin," sagot ko.

"When exactly is your graduation?"

Dinilaan ko ang ibabang labi bago sumagot. "July 23..."

He nodded like he's taking note of it. "You still have class tomorrow?"

"Practice lang..."

"What time will you get home?"

"I'll be home before six."

"I'll cook again tomorrow. What do you want to eat?"

Nagkatinginan kami. "Magluluto ka uli?" tanong ko na inulit lang ang sinabi niya.

"Yes. What do you want to eat?" ulit niya rin.

Ngumuso ako ng bahagya. "Adobo siguro?" I suggested.

"Pork or chicken?"

"Uh, pork?"

"Okay. How do you like it to be cooked? May kaunting sabaw, o dry?"

I bit my lower lip and stared at him. Okay lang naman kung anong gusto niya, pero ayaw ko kasi ng dry kaya... "Gusto ko sana may kaunting sabaw," sagot ko.

He nodded. "May sabaw, then."

Kaya kinabukasan, iyon nga ang niluto niya.

Nagmadali ako kanina sa pag-uwi para maagang makapag-ayos ng sarili. Alas otso na ako nakauwi dahil may inayos pa ako sa school. And all I think about is Roilan and his adobo. He's probably waiting for me. Sabi ko, before six nakauwi na ako pero gabing-gabi na nasa school pa rin ako. He even sent me a message on Instagram. He must be so worried.

Roilan Siverio:

I've been knocking on your door but it seems like you're not here yet. Anong oras uwi mo?

I replied immediately.

Vira Aluarez:

I'm still at school. May inaayos pa. Pero pauwi na rin maya-maya.

I heaved a heavy sigh before sending him a message again.

Vira Alurez:

Kumain ka na. Huwag mo na akong hintayin.

Roilan Siverio:

I will wait for you, or I can pick you up?

Vira Aluarez:

I brought my car. 8 siguro ako makakauwi. 'Wag mo na akong hintayin.

Roilan Siverio:

Hihintayin kita.

Kaya nagmadali ako. Napressure tuloy ako. All I think about is him, waiting for me in his small living room. Sa pagmamadali ko nga'y halos mabunggo pa ako habang nagda-drive. Hindi ko alam kung bakit ako natataranta.

Siverio 2: Roses and Thorns Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon