Chapter 30

12.4K 147 34
                                    

Naiwan kami ni Roilan sa tabi ng kalsada. Nanatili siyang nakatitig sa akin. His eyes were dark, cold and brooding. He looked at me with so much intensity that made me so uneasy. Mukha naman akong kalmado pero parang may nangyayaring rebolusyon sa loob ng katawan ko. 

Huminga ako ng malalim at pilit na umiwas ng tingin. I picked up my things on the side of the road. Inayos ko ang mga envelope na dala ko na bigla ko na lang binagsak kanina dahil sa pagkataranta. Wala na masyadong tao. Ilang mga pulis at BFP officers na lang ang mga natira.

Dumilim na rin ang paligid pero bukas na ang ilaw sa mga poste sa kalsada. Inabutan na ako ng gabi. Maingay na busina ng mga sasakyan ang maririnig sa paligid. Kahit alam nang may aksidenteng nangyari, nagpupumilit na makadaan agad sa kalsada. Gusto yatang sumunod sa nangyaring banggaan.

“Mga bobong rider gusto na atang makita si San Pedro,” rinig kong sabi sa kung saan.

“Mabuti kung si San Pedro ang sasalubong sa kanila. Mamaya si Satanas pala. Aray ko po.”

I was relieved that the victims were not seriously injured. Hindi naman malala ang mga tama. Kailangan lang nilang matingnan ng maayos kaya kailangang dalhin sa ospital.

I was scared at first, though. I thought someone died. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko kung may namatay man. That’s what I’m scared the most. To witness people die. Pero hindi naman iyon maiiwasan dahil nasa medical field ako. Dapat ay normal lang iyon sa amin. Dapat buo ang aming loob palagi.

Hindi ko lang magawang masanay. I remember when I had my first code blue as a student nurse at Vergara Medical Hospital. The pain I felt when someone died in front of me was something I couldn’t forget. It was hard to forget…

Palagi akong natutulala noon kapag naaalala ko. Hindi ako noon pinatulog ng maayos. Ilang araw muna ang lumipas noon, bago ako umiyak. It was really painful. Pakiramdam ko noon, kasalanan ko ang nangyari. Wala akong nagawa. I was the one running the code. I blamed myself for what happened. Kung sana lang ay binigay ko pa ng todo ang lahat. I might have saved the patient.

“Don’t think about it too much, Vira… Siguro ay oras na talaga niya. You did your best. At least, you did your best…” Tita Melanie comforted me.

“That’s okay, Elvira. Your feelings are valid. It’s fine. Magbar na lang tayo!”

Sina Dani at Tita Melanie lang ang malalapitan ko. Kaya nang hindi ko na kinaya, sa kanila ako lumapit. And they somehow made me feel better.

I don’t know… I think it was the guilt. Akala ko kasi noon, kaya kong iligtas lahat kapag nandito na ako sa field na ‘to. Nakalimutan kong hindi dahil nasa medical field ako, at dahil doctor at nurse ka na, maliligtas mo na ang lahat.

I have witnessed how people died. Kahit anong edad. May matatanda, may mga sanggol. Masarap sa pakiramdam kapag may naililigtas kang mga pasyente pero ang hirap ipaliwanag ng sakit na maaari mong maramdaman kapag may nawalan ng buhay. Kapag kahit pakiramdam mo kaya mo namang iligtas pero hindi mo nagawa. Wala kang magawa.

But I’m trying to be brave. Every day I’m trying. I am a nurse and this is part of my job. I have to get used to it. Maraming umaasa sa amin, kaya kailangang maging matatag.

“I can go home alone. Hindi mo naman ako kailangang ihatid,” I said in a cold tone.

I heard him sighed. I know he’s watching me. Kaya nga hindi ako mapakali. Parang dinadaga ang puso ko sa bilis ng bawat pintig nito. Hindi ko rin maintindihan ang mga tumatakbo sa isip ko.

“May problema ba?” he asked gently with a hint of concern in his voice.

Pilit kong kinunot ang noo ko. I actually have so many questions in my head. Pero ayaw ko nang ilabas pa. Para saan pa? Hindi naman na iyon mahalaga.

Siverio # 2: Roses and Thorns Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon