"That guy obviously likes you..." he whispered in a hard, cold tone while his eyes were focused on the barbaque grill.
Sumisilip ang mga usok mula roon. Maingay na tawanan ang maririnig mula sa aming mga kasama. Bidang-bida nga ang mga halakhak ni Aling Pedra na inaya ni Tita Melanie na magbakasyon din dito.
Dani is lying on the sun lounger. Walang pang-itaas at nakabulaklaking short. May itim na sunglasses sa kanyang mga mata habang ang ulo ay nakaunan sa kanyang mga braso. Lumabas tuloy ang mga muscles niya at akala mo lalaking-lalaki tingnan. Huwag lang magsasalita at talagang magugulat ka.
Binaliktad ni Roilan ang mga barbaque. Dumikit ako lalo sa kanya habang nangingiti.
"I don't like him," I said as if that would somehow lessen his irritation.
He tsked. Pinanuod ko siya habang pinapahiran niya ng sauce ang mga bagong lagay na barbeque.
"I don't like him either," malamig niyang sabi.
Lumawak ang ngiti ko. Muntik pa akong matawa. I slowly snaked my arms around his waist. He stiffened at that. Dinikit ko ang sarili ko at humilig sa mainit niyang katawan. Dalawang kamay ko ang nakapulupot ngayon sa kanya.
"Peter is just a friend."
He tsked again. Ang iritasyong nararamdaman niya at tila hindi nababawasan.
Lumayo ako at tiningala siya. "Galit ka sa akin?"
I saw him almost rolling his eyes. Pinipigilan niya lang ang sarili niya. Kitang-kita ang iritasyon sa kanyang mukha. There's a line again appearing in between his dark eyebrows.
I don't know why I find him amusing instead. Natutuwa ako sa mga ekspresyong ipinapakita niya sa akin ngayon. Gone was his gentle and soft version that he had been showing me these past few days. Natatabunan na iyon ng pagkairita at kawalan niya ng pasensya ngayon.
"I'm not," matigas niyang sabi at halatang may bahid pa rin ng inis sa kanyang tinig.
"Galit ka," I stated. It's not a question.
Kumalas ako sa pagkakayap sa tagiliran niya. Agad niya akong nilingon dahil sa ginawa ko. Matangkad naman ako kaya kahit paano ay hindi ako nakatingala sa kanya.
Nagkatinginan kaming dalawa. Natigil siya sa kanyang ginagawa. He pursed his lips, the slight furrow between his brows didn't fade as he stared pointedly at me, and with an icy coldness. Paano ko ba tutunawin ang malamig na yelong lumulukob sa kanyang mga mata at damdamin?
Inangat ko ang kamay ko at marahang hinawakan ang gusot sa pagitan ng kanyang mga kilay. Kunwari ay pinantay ko iyon gamit ang mga daliri ko.
"If it isn't obvious, ikaw ang gusto ko, Roilan..." I confessed. I said those words in a slow tone while my eyes were still on his forehead.
I can feel his stare. It sent shivers down my spine. I could feel it burning on my skin. But I'm trying so hard not to melt with his intense stares. Baka mas mauna pa akong matunaw kaysa sa plano kong tunawin ang malamig niya mga tingin at pakiramdam.
Marahang bumaba ang mga mata ko sa kanyang mga mata. At nang salubungin ko iyon, parang may maliit na kuryenteng dumaloy sa katawan ko. "Kung hindi kita gusto, you won't be standing here in front of me... Kahit ang palapitin ka sa akin ay hindi ko papayagan."
Bumaba ang tingin ko sa kanyang mapupulang mga labi. Nakaawang ang mga iyon at marahan ang hanging ibinubuga, na mainit na tumatama sa aking mukha.
"I like you, Roilan Siverio..." I whispered. Kasabay noon ay ang pagdaan ng malamyos na panggabing hangin.
