Chapter 9

12.3K 190 45
                                    

"Baba ka mamaya, Elvira ha? Sama ka sa amin," ani Tristan nang magpaalam akong papanhik na sa kuwarto ko.

I smiled at him. "Oo, bababa ako."

"Pero teka, umiinom ka ba?"

Ngumisi ako. "Of course!"

"That's good! Malakas ka siguro uminom. Laking Manila ka, e!"

I chuckled. "Well, that's true. My friends and I love to party a lot. I host house parties sometimes, too! Pati mga friends at kakilala ko. Madalas akong maimbitahan."

At iyon pa nga ang naging dahilan kung bakit ako narito ngayon sa mga Siverio. Na sa tingin ko ay hindi naman masama. Nag-e-enjoy na ako ngayon dito, e.

"Wow. Masaya siguro kayo kasama. Sige ha, mamaya. Hintayin kita!"

"Pupunta ako, promise!"

"Asahan ko 'yan!"

Umakyat agad ako sa kuwarto ko pagkatapos ng ilang sandaling pakikipag-usap ko pa sa ilang mga kaibigan ni Sandro.

Naligo uli ako at nagbihis ng bagong damit. Tinabi ko muna ang t-shirt ni Tristan at balak kong bukas na lang labhan.

I only wore a simple black, boat neck tank top and white high waist shorts. I tied my hair into a ponytail. Bumaba agad ako matapos mag-ayos.

Tahimik sa bulwagan pagbaba ko. Biglang pumasok sa double doors ng mansyon si Roilan na may supladong mukha. Kunot ang noo at iisang linya ang mga labi. Tila may iniisip na malalim na kinaiinis niya kaya ganyan ang itsura.

Sinulyapan niya ako. And I think I saw him rolling his eyes on me. Kumunot ang noo ko. Hindi ako sigurado kung guni-guni ko lang ba 'yon, o totoong inirapan niya ako.

He's wearing a simple white round neck t-shirt and denim pants. Tinitigan ko siya sa mukha. Ngumuso ako. Ang sungit, pero ang guwapo.

"Nasaan sila?" tanong ko sa kanya.

Hindi niya man lang ako tiningnan pero sumagot naman. "Nasa likod na."

Naglakad siya patungo sa dining room. Sumunod naman ako.

"Sasali ka ba sa inuman?" tanong ko.

Dumiretso siya sa kusina at may kinuha sa cabinet.

"Oo," he answered in a low voice.

Nagtaas ako ng kilay. "Akala ko may gagawin ka?"

"Tapos na."

"Iinom ka?"

I heard him sigh. "Oo."

Ngumuso ako. Ano ba 'yan. Ang tipid naman. Manang-mana kay Andria.

"Iinom din ako," sabi ko kahit hindi naman siya nagtatanong.

Nakatitig ako sa kanyang likod. Wow, even his back is so sexy. And look at those broad shoulders. Bigla niya akong nilingon, malamig ang kanyang mga matang tumama sa akin. Damn, those sexy eyes.

Palagi ko na lang siyang napupuri!

"Well, I used to party a lot in Manila kaya marunong ako uminom. Mahilig kaming uminom ng mga kaibigan ko," paliwanag ko pa.

Bumuntonghininga siya. Lumipat siya sa kabilang kabinet. May kinukuha siyang mga snacks.

"You shouldn't drink too much. It's not good for your health."

I made a downward smile. Hindi ko alam kung bakit kinikilig ako sa sinabi niya. I bit the inside of my cheek, trying to stop myself from smiling widely.

"Hindi naman ako iinom masyado... Gusto ko lang sumama sa kanila," mahina kong sagot.

Wow. Kailan pa ako naging kalmado ng ganito? Parang ang bait-bait ko ngayon, ah? Kung naririnig lang ako ni Dani ngayon, paniguradong pagtatawanan ako no'n.

Siverio # 2: Roses and Thorns Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon