Chapter 25

11.7K 170 35
                                    

Umalis agad ako ng walang pasabi. Hindi na nilingon pa si Roilan at hinayaang magkagulo ang mga nurse. Sa pagtalikod ko ay narinig ko na lang ang paninita sa kanila ni Dr. Briones.

I don’t know why he’s still here, though. Akala ko nakabalik na siya ng Manila. Tapos na ang mga conference kaya nga bumalik na si Dani ng Manila. At sa pagkakaalam ko rin, wala naman silang negosyo rito.

But then, Engineer nga pala siya. May ginagawa raw na building sa may Mabolo. Iyon siguro ang dahilan.

Usap-usapan tuloy ng mga nurse sa hospital ang guwapong nagpagamot daw sa kanila. Kahit ilang araw na ang nakalipas, hindi pa rin sila nakaka-recover. Tila na love at first sight sila kay Roilan.

“Ang guwapo talaga! Hindi ko siya makalimutan!” kinikilig na sabi ng isa sa mga nurse.

“Nagdasal talaga ako nang araw na ‘yun. Hiningi ko na siya kay Lord!” dagdag pa ng isa.

Kilig na kilig sila kay Roilan, samantalang ang mga kaklase kong sina Kaye ay rinding-rindi na sa kanila.

“Mga talandi talaga ‘yan sila. Kahit construction worker ay papatulan pa,” rinig kong sabi ni Pamela.

Tapos na kami sa aming duty at nagpapalit na ng damit sa loob ng dressing room sa may ICU. My classmates thought Roilan was a construction worker without knowing that he’s actually an Engineer.

“Totoo ba? Construction worker daw ‘yung pinagkakaguluhan nila? Yuck. Ang baba ng mga standard,” komento naman ni Yana.

“True the fire. Imagine, payat na matangkad na maitim tapos jejemon lang ‘yung pinagpapantasyahan nila. Tapos ang suot na sapatos, sa halip na Nike naging Kike ang tatak!” si Kaye.

Nagtawanan sila. I feel offended by what they said. What’s wrong about being a construction worker? So what kung naging construction worker nga si Roilan? Masama ba ‘yun? Kahit guwapo pero dahil construction worker hindi na nila magugustuhan? Talaga lang ha? Baka kapag nakita nila si Roilan sila na mismo ang maghakot ng mga hollow blocks sa construction site.

I left the dressing room without saying goodbye. ‘Di ko rin naman close ang mga ‘yun kaya wala akong pakialam.

“Nakakakain ka pa ba? Baka nagpapalipas ka ng gutom dito, ah. Ang payat-payat mo na.”

Sinilip ko si Tita Melanie na abala sa pag-aayos ng mga binili niyang groceries para sa akin.

Pagka-uwi ko ay naabutan ko siyang naghihintay sa labas ng apartment ko. She said she misses me, that's why she came here. At bago pumunta rito, kung anu-ano pa ang mga binili. 

“Kumakain naman po ako ng maayos. Lagi lang pong puyat,” sagot ko.

“Naku, malapit na graduation mo. Mas mahirap na kapag naging nurse ka na talaga. Magta-take ka na ba agad ng exam after your graduation? Kahit sa Center ka na muna magtrabaho para hindi ka masyadong ma-pressure. I’ll give you time and space para makapag-review. Hindi mo kailangang pumasok lagi.”

Lumapit ako sa kanya at tinulungan siya sa pag-aayos. “Magta-take po agad ako ng exam… Actually po, kinausap ako ni Dr. Vergara. Gusto po nila akong kunin. Magsend daw po ako agad ng application pagkatapos ng graduation.”

“Oh? Ikaw lang? Magandang magka-experience ka na rin talaga sa ospital. Sa Vergara Medical Hospital pa. Maganda naman doon hindi ba? You can apply there. Pero ‘yung plano mong pag-abroad? Itutuloy mo pa?”

Hindi agad ako nakasagot. Isa iyon sa mga plano ko noon pa man. Gusto ko sanang mag-apply sa US. At kapag matagal na ako roon at naging citizen na, puwede kong kunin si Aaron. I know he will come with me. May iba na ring pamilya si Loren kaya gusto na rin niyang umalis sa puder ng mommy niya. I promised him I'll get him once na kaya ko na.

Siverio # 2: Roses and Thorns Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon