“I saw your photos in magazines! It was published last night, at ngayon ko lang nakita!”
Tamad akong nakikinig sa mga sinasabi ni Dani mula sa kabilang linya. It’s six in the morning and he called me just to ask me why I was invited to the birthday party of Kate Cortezano, the daughter of the Mayor of Libmanan.
“Sikat at mayaman ang mga Cortezano kaya covered ng media ang debut ng bunsong anak ng Mayor d’yan sa Libmanan. But the Siverios?! They’re more popular than them! Kumalat dito ang balita tungkol sa pag-attend ng mga Siverio sa event na ‘yon tapos isa ka pa! Hindi mo ba alam? Muling umingay ang pangalan mo! People were asking kung boyfriend mo raw si Roilan Siverio! Our friends have been bugging me because of it. Eh wala rin naman akong alam!”
Nilapag ko sa kama ang ilang mga damit na pinagpipilian ko na susuotin para sa araw na ‘to. Ang cellphone ko ay nasa ibabaw rin ng kama. Ni-loud speaker ko na lang dahil nga abala ako sa pagpili ng susuotin.
“Kaya pala nananahimik ka na riyan! Ano ‘yan, Elvira ha? Magsabi ka ng totoo! Boyfriend mo ba ang Siverio na ‘yon! Paano mo nakilala ‘yon? Dito ba sa Manila? Alam ko dito ‘yan nakatira at minsan lang umuwi ng Bicol o, d’yan mo na nakilala sa Bicol?”
Sasama uli ako kay Roilan ngayon sa Naga. We’re going to buy some stuff for the farm again. At s’yempre, magda-date na rin.
I’m excited! Sabi niya dadalhin niya ako sa Albay pagkatapos namin mamili sa Naga. We’re going to see the Mayon Volcano!
“Elvira! Nakikinig ka ba?”
“What?” I asked while still trying to choose what I should wear.
Ang hirap mamili! Kalahating oras na siguro akong namimili rito at hanggang ngayon ay nahihirapan pa ring mamili!
“I’m asking you saan mo nakilala si Roilan Siverio?!” naiirita nang tanong ni Dani.
I sighed. “Dito sa probinsya? We’re living together,” I casually said and continued to stare at my clothes on the bed.
Hmm. Should I go with black again? Or white? Pink? What color kaya?
“What?!” gulantang na tanong niya. Kahit malayo naman ang phone ay parang sumakit pa rin ang tainga ko sa lakas ng sigaw niya.
“What the hell, Elvira? Nakipaglive in ka? Sa isang Siverio!” I can even imagine his shocked expression. Parang gulat na gulat siya.
“Boba. What I mean is sa kanila ako nakatira. Pinsan ni Loren ang mommy nina Roilan,” I explained, rolling my eyes. “And yes, my darling, Roilan is my boyfriend,” dagdag ko pa at ngumisi, proud pa sa huling sinabi.
Nag-eeny meeny miny moe pa ako pero hindi ko rin naman pinili ang huling natapatan ng daliri ko. I chose the matching red knitted sleeveless crop top with buttons and a mini skirt from Chanel. I’m gonna pair it with my black Stuart Weitzman’ stiletto heels.
“Hindi ka naman nagdedelusional lang? Boyfriend mo talaga si Roilan?”
Muling umikot ang mga mata ko. Hindi naniniwala ang bruha. “I’m telling the truth. Bahala ka kung ayaw mong maniwala,” tinatamad kong sabi.
“I know you’re beautiful, Elvira. Mayaman ka naman at matalino. I don’t mean to insult you, my darling ha? But Roilan? He’s a Siverio! Paanong naging boyfriend mo ang isang Roilan Siverio?!”
Kilala ba talaga ang mga Siverio? Even Dani knows them. Pero bakit hindi ko sila kilala? Kay Daddy ko nga lang narinig ang pangalang Siverio.
Oh, well, I don’t really give a damn kasi with other people. I worked in the entertainment industry nga pero wala akong masyadong kilalang mga artista. Kahit nga mga politiko. Para akong may sariling mundo. Walang pakialam sa paligid. Ang kilala ko lang ay ang mga kaibigan ko. Madalas silang magchismis-an sa buhay ng ibang tao pero wala akong pakialam. Hindi ako nakikinig.
