Chapter 7

15.6K 242 35
                                    

“What did you do, Dad?!”

Pabalik-balik ako sa paglalakad sa loob ng kuwarto ko. Ilang tawag ang ginawa ko kay Daddy at ngayon lang siya sumagot. I’ve been calling him for almost one hour!

“Ano na naman, Elvira?” he asked in a bored tone.

“You freeze my bank account? For what reason?!” bungad ko agad.

Rinig sa kabilang linya ang maingay na mga boses na nagkukuwentuhan at nagtatawanan. I gritted my teeth. I think I know where he is! 

This old man! Nagsasayang na naman ng pera! At syempre, namana ko ‘yon sa kanya!

“Puwede ba, Elvira, saka na tayo mag-usap. Busy ako ngayon,” he said after laughing so hard at the joke of whoever was with him.

“But, Dad! I need my trust funds! My savings!”

“Busy ako. Saka ka na tumawag...”

Pinutol niya agad ang tawag. Him ending the call just like that, infuriated me more. Napatili ako sa inis. Binato ko sa ibabaw ng kama ang cellphone ko.

Pinaghirapan ko naman ‘yon! Pera ko naman ‘yon! Pinagtrabahuhan ko ‘yon! Why would he do that! I should have opened my own new bank accounts after I turned eighteen! Hindi sana nangyari 'to!

“Ahh!” I screamed again.

Ang sama-sama ng loob ko. Wala akong pera?! I don't even have any cash in my wallet! Paano na ako? Damn it! How could he do this to me!

Lumabas ako ng kuwarto dahil sa sobrang inis. Halos umatras ang isang batang kasambahay dahil sa biglang pagbukas ng pinto ng kuwarto ko.

Mabibigat ang mga hakbang ko sa tahimik na hallway. Mabibigat din ang paghinga ko at hindi ko alam kung paano papakalmahin ang sarili ko.

Kailangan ko lang magpahangin. Sa labas. Kailangan kong lumabas.

Nagulat ako nang biglang bumukas ang isang pinto. Iniluwa noon ang guwapong si Roilan. He’s now wearing a white round t-shirt and black linen short while I’m still wearing my crop top and skirt.

Natigilan ako. Kumunot ang noo niya sa akin. Huminga ako ng malalim at kinalma ang sarili.

“I… I called my Dad… I think wala namang problema sa cards ko. He just… blocked my accounts,” paliwanag ko kahit hindi naman siya nagtatanong.

Ginalaw niya ang ulo niya. Nakatitig lang siya sa akin.

“I can’t pay you right now… Okay lang ba? But I’ll pay you as soon as possible. Gagawan ko ng paraan…” I tried to be calm but damn his sexy eyes. Nadi-distract ako.

Napakalma ko na ang sarili ko pero mabilis pa rin ang pintig ng puso ko. Ngunit sa iba na yatang dahilan.

He licked his lower lip while staring at me. Napalunok ako. “No worries. Kahit ‘wag mo na munang bayaran. Don’t think about it too much,” he said in his bedroom voice.

That got me more distracted. Kinalma ko ang sarili ko at muling tumikhim.

“I’m sorry… I didn’t expect it to happen. Ngayon lang ‘to ginawa ni Daddy.”

Tumango siya. “If… you need to buy anything, just tell me… I can… lend you some money. Saka mo na lang bayaran.”

My eyes widened a bit. Papautangin niya pa ako? Willing pa siyang dagdagan pa ang utang ko? It’s tempting me but… that’s too much. At nakakahiya...

“Magbihis ka na at magpahinga.”

Tumango ako at sumunod sa kanya. Napakalma ako noon. Bumalik ako sa kuwarto na kalmado na ang isip. Saka ko na siguro iisipin ang problema ko sa mga cards ko. Tatawag na lang uli ako kay Daddy. I'll try to talk to Dani, too. And Aaron. I'll ask him to check on Aaron.

Siverio 2: Roses and Thorns Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon