Chapter 13

13.4K 202 15
                                    

He didn’t say anything if he really wanted our set-up. Wala naman siyang sagot noong inaya ko siya sa gusto kong mangyari but I think, his answer was when he kissed me back.

But that’s it. Hanggang halikan lang kami sa labi. He wouldn’t even let me touch his chest, or his abs. At ang mga hawak niya sa akin ay hanggang panga at leeg lang.

Paano naman ‘yon ‘di ba? It’s kinda boring kaya. I want the thrill. Gusto kong ma-excite. Gusto kong maramdaman ‘yung sobra-sobrang kaligayahan. I want to feel high!

Tinitigan ko ang sarili ko sa malaking salamin sa kuwarto ko. I’m wearing a golden yellow off shoulder sequin gown, with slit and train.

Nagpasalon ako kahapon. Nagpakulay naman ako ngayon ng brown. I only straightened my new hair for today’s look. Tinabi ko rin ang bangs ko. May make-up artist na kinuha si Lola Aurelia at nakuha naman noon ang ayos na gusto ko.

Bumaba agad ako nang matapos kong pasadahan ang sarili sa salamin. Sa bulwagan, malapit sa mga sofa ay nakatayo si Roilan na tila nag-aabang sa pagdating ko.

He looks so dashing in his black coat, black slacks and black shoes. Sa ilalim ng coat ay puting dress shirt na walang tie at bukas ang ilang butones.

He’s so damn hot. Look at those broad shoulders and long legs. Ang ganda-ganda ng tindig niya. He looks so manly.

His sexy hooded eyes traced every part of my body. Parang hinuhubaran ako ng mga mata niya. I smirked at him when his eyes met mine. Para akong proud sa sarili ko at nagyayabang ngayon dahil mukhang gandang-ganda siya sa akin.

I sauntered slowly on the grand staircase until I reached near him.

“Where are they?” tanong ko at luminga-linga ako sa paligid.

He remained staring at me. “Pinauna ko na sina Lola. We’ll go there together,” he answered in his deep baritone.

I made a downward smile. Tingin at boses niya pa lang, kinikilig na ako ng husto.

Sabay kaming pumunta sa party. Hindi naman kalayuan ang mansyon ng mga Cortezano na siyang pupuntahan namin ngayon. Ngayon na ‘yung debut ng anak ng Mayor kung saan imbitado ang mga Siverio.

Nagtaas ako ng kilay nang matanaw mula sa labas ng sasakyan ang magarang mansyon at mga media sa labas na naka-abang. They must be very rich or very influential to have the media cover this event.

Pinagbuksan ako ni Roilan ng pinto. May gumuguhit na naman na ngiti sa mga labi ko. Para akong prinsesa na pinagsisilbihan ng kanyang prinsipe. Nako-kornihan ako sa mga ganito noon pero ngayon ay kinikilig ako.

Sinalubong kami ng media. Ilalabas kaya ‘to sa T.V.? Sa magazines? People will see me. Baka may makakilala sa akin, buti na lang, guwapo ang partner ko.

“Mr. Siverio? You looked so handsome tonight! Who’s your lucky date?”

“Mr. Roilan Siverio! You have a beautiful date. Can you tell us who she is?”

I raised a brow. They know Roilan? Mas kilala pa nga nila kaysa sa akin. He’s not even a celebrity? Kilala ba ang pamilya nila? Wala naman sa pamilya nila ang involved sa politics pero kilala sila. Is it because they’re rich?

“Vira Aluarez? Are you Vira Aluarez?”

Nagulat ako nang makilala ako ng isang reporter. Hindi ko in-expect na makikilala ako. Hilaw akong ngumiti.

“Vira Aluarez?” takang tanong ng isa.

“That’s Vira Aluarez! Dating artista ‘yan! Daughter of Evan Aluarez!”

Siverio # 2: Roses and Thorns Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon