Chapter 35

16.9K 199 45
                                    

I felt Roilan’s presence behind me. Ang mainit niyang palad ay marahang humawak sa aking baywang. Nanghuhusga naman ang mga matang bumaba roon ang tingin ni Dani.

“Good morning…” napapaos na bati ng katabi ko na tila wala lang sa kanya na nakita kami ng kaibigan ko na magkasama sa loob ng apartment ko, at halatang bagong gising.

“G-good morning!” Napalakas ang tinig na sagot ni Dani. He then looked at me, nagtatanong ang nanlalaking mga mata. Patay-malisya naman akong nag-iwas ng tingin.

“Uwi muna ako sa kabila. So you and your friend can talk. I’ll just take a shower and change. Then I’ll cook our breakfast. I’ll bring it here…” Roilan said to me as he caressed my waist gently while my friend was watching us.

Nahihiyang tumango ako. Huminga ako ng malalim at nilingon siya. “Wala kang pasok?”

“I took a leave…” he said in a slow tone.

Marahan akong tumango.

“Alis na ako...” Napapikit ako nang marahan niya akong halikan sa sentido ko. Narinig ko pa ang pigil at impit na tili ni Dani na mukhang nagulat.

Lumabas agad si Roilan. And when the door closed, saka humarap sa akin ang kaibigan ko na may tinging nang-aakusa at nanghuhusga.

“What the heck was that?!”

I sighed. I went to him and hugged him. Niyakap niya rin naman ako pabalik.

“Elvira?!”

“I missed you, Dani. How’s your flight? Sorry, hindi kita nasundo.”

“Miss mo ako? Talaga? Mukhang abalang-abala ka rito?! May puwang pa kaya ako sa isipan mo gayong kasama mo naman ang isang Roilan Siverio?!”

I sighed again. “Bakit ‘di ka muna magpahinga? You must be tired. At paano mo nabitbit ‘yang tatlong maleta mo paakyat dito?” tanong ko at hinarap siya.

“Nagpatulong ako sa mga kalalakihan sa baba. Binayaran ko na lang. At sa tingin mo talaga makakatulog pa ako nito?!” he said in a very exaggerated way.

Ngumuso ako, hindi na makatingin sa kanya.

“He kissed you!” 

“Sa sentido lang naman.”

“Lang?! Dapat ba sa lips?! Don’t tell me binigay mo na naman ang perlas ng silanganan?!”

Sinimangutan ko siya. “Of course not, Dani!”

But we almost did it last night… Nag-init ang mga pisngi ko nang maalala iyon.

“How will you explain that, then? He slept in your room. He just casually walked out of your room. Babae ka, lalaki siya. Kayo lang dalawa sa maliit na apartment na ‘to. Imposibleng walang nangyari. Imposibleng nagtitigan lang kayo buong gabi!”

Naglakad ako patungo sa kusina habang nakasunod naman siya. Pumunta ako sa maliit na fridge para kumuha ng pitsel ng tubig. Nagsalin ako sa isang baso at uminom habang si Dani ay panay ang sermon sa akin. Binigyan ko rin siya ng isang basong tubig na hindi naman niya pinansin.

“Ano ‘to, Elvira? Ilang linggo lang akong nawala. Nagkabalikan na kayo? And you’re not telling me anything?” may himig ng pagtatampo sa kanyang tinig.

I put the glass on the sink and sighed again. Hinarap ko siya.

“We just talked last night. We didn’t get back together. We haven’t talk about it. But… we’re… I guess, we’re— I don’t know…”

He confessed to me, yes. Pero hindi ko alam kung ano na kami. We kissed and he’s now being clingy with me. But I guess iyon na ‘yun. We’re both adult naman na. Hindi naman na uso ang ligaw stage at tanungan kung kayo na ba. Understood na siguro ‘yun.

Siverio 2: Roses and Thorns Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon