Chapter 23

14.9K 187 5
                                    

"Roilan was here..." wala sa sariling sambit ko nang makabalik si Dani.

Tulala ako sa harap ng dance floor. Everyone is dancing wildly in the middle of the dance floor, while I'm still sitting here on the couch. May malalim na iniisip habang hawak ang isang baso ng alak.

"Huh?" naguguluhang tanong ng kaibigan ko sa gitna ng maingay na paligid.

"Si Roilan, nandito kanina," ulit ko at nilingon na siya.

"Roilan? Roilan Siverio? Saan?" tanong niya at luminga-linga.

Bumuntonghininga ako. "Umalis na..."

Kunot-noo niya akong binalingan. "Kinausap ka?"

I shooked my head.

I saw him answering a phone call and left. Hindi na bumalik. I don't know why I was expecting that he would approach me. Sabi niya kasi sa conference gusto niya akong makausap. At curious din ako sa ano mang pag-uusapan namin. Kaso hindi na siya bumalik.

"Hay naku, 'di ba, wala lang naman sa'yo ang Siverio na 'yun? 'Wag mo nang pansinin. Mag-enjoy tayo ngayong gabi! Let's go!" Hinila niya ako kaya wala akong nagawa.

Kinagat ko ang ibabang labi ko at nagpahila sa kanya. We went to the dance floor. I was laughing with Dani as he tried to made me dance. Tinataas niya ang mga kamay ko para sabayan ko siya sa pagsayaw.

"Come on, Elvira! You were so good at this before! Bumalik ka na!"

Tumawa ako. "Hindi na ako marunong!"

"Just move your body! Sabayan mo ako!"

I did what he told me. Sumabay ako sa kanya. He was so proud when I started moving my body like how he wanted. Lalong lumakas ang musika. It was so loud. Para akong nabibingi. At kahit nakakahilo ang mga ilaw ay patuloy ako sa pagsayaw.

Sumasabay ang lahat sa tugtog, pasigaw na binabanggit ang isang sikat na kanta. Patalon na kaming sumasayaw. Everyone's enjoying the night. We danced like crazy. We danced like there's no tomorrow.

This feeling was so familiar. Para akong binalik sa nakaraan. This was my life before. Wild and crazy... Drinking, dancing, partying almost every night. This was my life... I was young and wild, but I was happy. I was happy...

Tumanda lang ako ngayon. My priorities just changed. Maturity just hit me. Maraming nagbago pero hindi rin naman siguro masama kung babalik ako minsan sa mga dating nakasanayan ko? Sa mga bagay na naging masaya ako?

I just want to feel it again. The euphoria... the feeling of real happiness. Ito 'yun... Kahit sandali lang.

Dani got drunk so bad. Napunta kami sa isang circle of friends niya na malalakas uminom. Nilasing nila si Dani. Pero kahit na lasing na ang kaibigan ko, hindi niya ako hinahayaang uminom ng marami. Sa tuwing susubukan ng mga kaibigan niya na bigyan ako ng baso ng alak, inaagaw niya. That's why he got so drunk.

"Ugh... I don't wanna drink na..." he complained after he drunk a full glass of alcohol.

"Then stop na... uwi na tayo," sabi ko sa kanya.

Kaso paano kami uuwi? Madaling araw na. Hindi ko alam kung may masasakyan pa ba kami. Dani has a car here actually. Ako ang madalas na gumagamit dahil hindi naman siya lagi rito sa Cebu. Binili niya iyon para may magamit siya kapag narito siya.

Naibangga niya iyon kahapon kaya nasa talyer ngayon. Kaya commute kaming nagpunta rito kanina. Now, how can we go home? Lasing na lasing pa naman siya. Hindi man lang namin 'to napag-usapan kanina.

Kahit na hindi sigurado kung may masasakyan pa, hinila ko na si Dani palabas ng club. The crowd was getting more wild and it's getting thicker by the hour. Marami pang dumating na bisita ang may birthday. Lasing na lasing na rin si Dani kaya ayaw ko nang magtagal.

Siverio 2: Roses and Thorns Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon