Tanghali na ako nagising kinabukasan. Nakalimutan kong wala nga pala ako sa amin. Napabalikwas tuloy ako ng bangon. Naligo agad ako at nagbihis.
I applied a light make up on my face. Ginuhitan ko ng eyeliner ang gilid ng mga mata ko para mas madepina ang hugis nito. Naglagay rin ako ng mascara sa pilikmata para mas umitim at kumapal tingnan. I brushed my eyelids with a darker shade of eyeshadow. I coated my lips with matte lipstick.
I wore a black ruched mini, tie string dress pair with black knee-high boots. Litaw na litaw ang maputi kong balikat at collarbone dahil sa suot. I put on my small, thin silver hoop earrings and a black cord, leather necklace. I straighten my long, wine red hair. Inipit ko sa mga tainga ang nasa unahan at hinayaan ko iyong nakalugay sa likuran ko.
Pinasadahan ko ng tingin ang sarili ko sa malaking salamin. When I got satisfied with my overall look, I went out of the room.
Mabagal akong naglalakad sa malawak na hallway sa second floor habang lumilinga sa paligid.
Then I realize, the mansion isn't really that bad. The details of the interior actually looks cool and... mysterious. It has intricate carvings, high ceilings, and everything is in vintage color. Makaluma ang lahat ng mga kagamitan. May ilang mga paintings at mga vase na halatang ilang daang taon na ang edad.
Para kang isang prinsesa kapag naglakad ka sa engrande nilang hagdan. It's a wooden staircase— crafted with meticulous details.
Walang tao sa bulwagan nang makababa ako. Nilibot ko ang tingin ko sa paligid. Isang malaking larawan ang nakakuha ng atensyon ko.
The Siverio family was wearing simple but elegant barongs and filipiniana. The background was their grand staircase.
They exude elegance and class. Simpleng kasuotan lang ang mga suot nila pero mahahalata mong mataas din ang halaga.
Sandro was sitting on the armrest of a classic chesterfield chair, where Lola Aurelia was sitting. Roilan stood next to him, looking so fine in his cream-colored, embroidered barong.
Sa kabila, sa likurang bahagi ng inuupuan ni Lola Aurelia ay nakatayo rin ang isang lalaki na sa tingin ko ay kapatid ni Tito Renaldo. Sa medyo unahan nito ay sina Tito Renaldo at Tita Lesandra.
At sa pinaka-unahan nina Tita Lesandra ay ang pinakabatang babae. That must be Andria or Adria as they call her. She's sitting on a round, vintage ottoman. Standing beside her was the younger version of Tito Renaldo.
That man is ruggedly handsome. Seryosong-seryoso ito habang nakatingin sa camera. He's definitely guwapo, but Roilan is different. I like Roilan more. Parang nakakatakot kasi itsura nitong isa. Mukhang masungit at suplado.
I've seen beautiful men and women since I used to be a celebrity, but this family is on a different level. They're like gods and goddesses. I feel like they're untouchable— too powerful and at a high level. One look at them, you can tell that they belong to a hereditary class with high social status— they belong to the aristocracy.
I glanced at the picture frames resting on the antique console table. Pansin ko na halos lahat ng mga larawan ay kasama ang isang babaeng hindi pamilyar at isa pang matanda. Pinsan ba nila?
I stared at the picture of Andria with the girl beside her. They were smiling widely while looking at the camera. Halos pareho pa sila ng suot na bestida, kulay berde at bulaklakin. May hawak na payong ang babae habang nakaakbay ang kapatid ni Roilan.
Tumaas ang kilay ko habang pinagmamasdan ang babae. She's pretty but she looks so simple. Parang hindi Siverio ang itsura. Maganda pero mukhang mahirap. Sino ba 'to?
I got startled when my phone rang. Sobrang lakas noon kaya rinig na rinig sa buong bulwagan.
I sighed when I saw Dani's name on the screen. Sinagot ko agad ang tawag. Bago ko pa lang ilalapit sa tainga ko ay inilayo ko agad dahil sa nakakabinging sigaw ng kaibigan ko.
