I didn't listen to him. I refused to listen to him.
Nang biglang sumulpot si Sandro galing sa kung saan ay hinila ko siya.
"Bring me to your farm," I said as I pulled him along.
Nagpahila rin naman siya kahit na naguguluhan. We aren't really close but I need him at the moment.
"Sandro," matigas at tila galit nang tawag ni Roilan.
I rolled my eyes. "Huwag mo siyang pansinin," utos ko kay Sandro.
Walang lingon kaming dumiretso sa isang sasakyan.
"My brother looks mad. Anong nangyari do'n?" Sandro asked as he maneuver his car.
Sumimangot ako. I'm also mad! His brother is mean. I hate him! I hate his guts! I hate him to bits!
"Ewan ko ro'n!"
Nagulat siya sa halos pasigaw kong sagot, pero hindi na rin siya nagsalita. I was fuming mad. Nakahalukipkip ako at matalim ang tingin sa harap. Kung isa akong cartoon character, baka kanina pa may lumalabas na usok sa mga butas ng ilong ko. Ang sama-sama ng loob ko.
Puring-puri ko pa siya kahapon at kanina. Inakala ko pang mabait siya. Hindi naman pala! He's so mean! He's rude and arrogant! I hate him!
"Bakit gusto mong pumunta sa farm?" Sandro asked as we passed through the golden rice fields.
I sighed. Medyo napakalma ko na rin ang sarili ko.
"Magta-trabaho," I casually said.
"Huh?"
Saglit ko siyang nilingon at muling bumaling sa bintana. "Trabaho. Work. Pinapunta ako rito ng Daddy ko para magtrabaho, tumulong sa mga gawain sa bukid. Parusa ko iyon dahil pasaway raw akong anak," I told him.
"Akala ko magbabakasyon ka lang."
I rolled my eyes while still looking through the car window. That's what Roilan told me earlier.
"Hindi ba sinabi ni Tita Lesandra?" Nilingon ko siya. "Sa farm din naman punta mo ngayon 'di ba? Tuturuan mo ako?"
Sumulyap siya sa akin na nakakunot ang noo.
"Nautusan lang akong sunduin ka kahapon sa airport. I really thought you're just here for a vacation... Walang nabanggit si Mama tungkol sa pagta-trabaho mo sa farm."
"But you'll allow me to work at your farm naman 'di ba? I'm willing naman."
Kung hindi rin naman nila ako pagta-trabahuhin ay ayos lang. Hindi naman siguro malalaman ni Daddy kung hindi nga ako tutulong sa bukid. Edi parang nagbakasyon lang talaga ako. I was willing to work naman talaga sa bukid dahil kay Roilan kaso siya rin ang dahilan kung bakit parang ayaw ko na ngayon.
He sighed. "You can start tomorrow. Sa ngayon, ipapasyal na lang muna kita sa resort."
Tumango ako. "Okay, then."
I stared at him while he's driving. Seryoso siya habang diretso ang tingin sa daan.
Guwapo talaga si Sandro. Ang perfect din ng side profile niya. He has dark, middle part hair style with sides that goes behind his ear. Magulo iyon na mas lalong nagpaguwapo sa kanya. He has tanned skin. And even when he's just wearing a simple washed, crimson red t-shirt and faded blue jeans, ang lakas na ng dating niya.
"How old are you?" bigla kong tanong.
"I'm nineteen," matigas niyang sabi.
Wow. He looks mature for his age. I mean, not because he looks old. He looks mature because of his body. His physique gives him an air of maturity. Just like his brother, he's massive and tall. May mga kakilala at kaibigan akong lalaki na kasing edad niya pero hindi ganyan ang katawan.