Chapter 5

16.6K 248 28
                                    

Hinila niya ako patungo sa likurang bahagi ng isa sa mga kubo. There’s a huge pipe there where the water flows. Medyo mataas iyon at nagmistulang shower. Malakas ang buhos ng tubig sa malalaking bato na pinagpatong-patong sa gitna. Pinatapat niya ako roon. Nagulat ako. Nanginig ako sa lamig ng tubig. Parang may yelo sa sobrang lamig.

Umalis siya at pagbalik ay may dala-dala ng tuwalya, sabon at mga damit ata.

“Wala bang bathroom dito?” tanong ko, kalmado na at nag-iisip kung dito ba ako maliligo.

Pagalit niya akong nilingon. Nagtatanong lang naman.

“Magbanlaw ka lang d’yan. May banyo sa likuran mo.”

Nilingon ko ang tinutukoy niya. Mayroon ngang maliit na mukhang bathroom doon na gawa sa dahon ng mga anahaw ata ‘yon. Kaso walang bubong! Pero mataas naman.

Nagtungo siya roon, dala-dala ang tuwalya, sabon at damit. Paglabas niya ay may dala na siyang maliit na timba.

“Tapos na ako…” sabi ko sa kanya.

He sighed. Lumapit siya sa akin.

“Pumunta ka na roon. Ipag-iigib lang kita,” aniya.

Sumunod naman ako. Tinapat niya sa bumubuhos na tubig ang timba at mabilis iyong nangalahati. Kakapasok ko pa lang sa bathroom ay nakasunod na agad siya. Halos sumiksik ako sa gilid dahil sobrang liit lang ng espasyo.

Sobrang liit lang talaga ng bathroom. Kasama na sa loob ang toilet bowl. Sa tabi ay isang kulay blue na malaking drum na kaunti na lang ang laman na tubig. Binubos niya roon ang tubig na inigib niya. His arms flexed as he lifted the bucket. Parang galit na galit ang mga ugat niya sa kanyang braso.

Ilang balik ang ginawa niya hanggang sa mapuno ang drum. Nilingon niya ako matapos ibuhos ang huling timba ng tubig. Alam kong galit pa rin siya pero medyo kalmado na ang mukha.

He's sweating profusely. Parang gusto kong punasan ang mga pawis sa kanyang noo at leeg. At kahit na pawisan, mukhang mabango pa rin siya tingnan. Ang guwapo.

“Maligo ka na. You can wear my clothes for the mean time. Don’t worry, hindi ka masisilipan dito. At… sa labas lang ako. Babantayan kita,” malamig niyang sabi.

Parang kuting na tumango lang ako. Pagkalabas niya ay sinarado niya ang pintuan. Wala iyong lock, pero dahil sabi niya ay magbabantay naman siya sa labas, ‘di naman ako nangamba na baka biglang may magbukas.

I used the unfamiliar soap that he gave me. Bago pa iyon dahil nakabalot pa. Ang mga hinubad ko ay nilagay ko sa isang malinis na timba.

I held the water dipper. Hindi ko pa nasubukang maligo ng ganito pero alam ko naman kung paano gamitin 'to.

Halos isang oras yata akong naligo. I groaned when I wore his clothes. Ang laki sa akin! 

Of course, my underwear were all wet kaya wala akong suot ngayon. Masyadong malaki ang itim na t-shirt niya kaya hindi naman mahahalata kung wala akong bra. At sanay naman ako dahil may mga araw na hindi talaga ako nagsusuot ng bra sa Manila. Besides, my nipples are very small. Katamtaman lang ang laki ng dibdib ko pero maliit naman ang mga nipples ko, kaya wala namang babakat. Puting sweatshort na may string naman ang pambaba ko. Ang laki-laki rin noon sa akin.

Pinupunasan ko ang buhok ko gamit ang puting tuwalya nang lumabas ako. Nakatalikod si Roilan sa medyo malayong gilid. Mabilis siyang humarap sa akin nang siguro'y maramdaman ako. He shamelessly stared at my body. Nagtaas ako ng kilay.

“Malaki sa akin pero ayos na rin. Thank you for this,” I said while staring at his face.

“Where’s your wet clothes? I’ll wash it…”

Siverio 2: Roses and Thorns Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon