Chapter 17

16.1K 192 13
                                    

Tulala ako sa kawalan habang nakaupo sa kama. Kakauwi lang namin ni Roilan. 

Iniisip ko pa rin ang nangyari kanina at ang nalaman ko tungkol sa kanya.

Nakakagulat iyon. I didn’t expect that. Of course, he is a guy. Parang ang hirap paniwalaan. I know there’s nothing wrong about it naman. Nagtataka lang talaga ako.

Most of my boy friends lost their virginity at twelve or thirteen and Roilan is an adult now. I’m not sure but he might be twenty or twenty-one now. And he’s still a virgin? Nakakagulat talaga ‘yon. Sa guwapo niyang iyan? 

But wait, does that mean he hasn’t got a girlfriend yet? I’m his first!

Napanguso ako, nagpipigil ng ngiti. I’m his first? Really?

He doesn’t have any experience, yet he was so good! Paanong nangyari na wala pa siyang experience pero ang galing-galing niya! Paanong wala pa siyang nagiging girlfriend pero ang galing niyang humalik. Mas magaling pa kaysa sa mga naging boyfriend ko na mas maraming karanasan.

Nanunuod din kaya siya ng porn?

Or maybe he’s just a nice and respectable man? Ilalaan niya ang first niya sa taong mahal niya? And kaya pala he doesn’t want to do it with me kasi hindi naman niya ako mahal!

My face contorted at the realization. Ugh. Bakit parang disappointed ako ro’n? Ano naman? Hindi ko na lang din ibibigay ang first ko sa kanya dahil hindi ko naman siya mahal!

Iniingatan ko rin ang sarili ko dahil gusto ko ring ibigay ang first ko sa taong mamahalin at papakasalan ko, pero dahil nakilala ko siya, kahit hindi ko siya mahal ay handa pa rin akong ibigay iyon sa kanya. But nevermind! Hindi na lang. ‘Wag na lang sa kanya!

But we’re in a relationship? Hindi ba talaga namin gagawin iyon?

Ugh. I need to stop thinking about it. I shouldn’t make it a big deal.

I took out my phone to distract myself. Hinanap ko ang number ni Ate Pina sa contacts ko at tinawagan. I frowned when she didn’t answer. Muli ko siyang tinawagan hanggang apat na beses pero hindi pa rin siya sumagot.

Ako:

Ate Pina, why are you not answering my calls? How’s Aaron? Please, call me when you’re not busy.

The last time I tried to call her, na hindi niya rin sinagot, nagreply naman siya kinagabihan.

I sighed. Hintayin ko na lang ba uli na magreply? Baka naman mamayang gabi ay magreply na siya. She’s probably busy.

I texted Dad too, to ask him about my cards. Ilang araw na lang ako rito sa mga Siverio. I need pamasahe para makabalik ng Manila. Uuwi ako ng medyo maaga ngayon dahil kailangan kong magpunta sa school.

Lumalim ang kunot ng noo ko nang hindi rin sumagot si Daddy. Tatlong beses ko siyang tinawagan. Nagri-ring naman pero hindi niya sinasagot.

Masyado ata silang busy ngayon? 

Nahiga ako sa kama at hindi na lang iyon pinansin. Wala akong gagawin ngayon. Si Roilan ay umalis uli. He’s with Tito Ariel. Kanina lang sila umalis.

They’re in Laguna right now. Hindi ko alam na marami pala silang kompanya. I did some research about them kanina. Sobrang yaman pala talaga nila. Mas mayaman pa sa inaakala ko.

Their company, Siverio Land, was the leading real estate developer in the Philippines. Their company in Laguna which was the Dria Enterprises is one of the leading furniture manufacturers and suppliers in Asia. Ekta-ektarya din ang mga lupain nila sa Laguna. They owned various hotels and condominiums in some parts of Luzon.

Siverio 2: Roses and Thorns Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon