Chapter 38

16.4K 171 38
                                    

"I'm sorry I didn't use a condom..." he whispered as he softly kissed the top of my head.

I licked my bottom lip and took a deep breath. Nakahiga ako ngayon sa may dibdib at braso niya. Ramdam ko ang katigasan ng kanyang abs habang nakayakap ang braso ko roon. I could feel the loud beating of his heart. Ang kanyang braso na nasa may ulo ko ay nakapulupot din sa akin.

"I'm just worried... We just talked about your... dreams and I just..." he trailed off and sighed. "Hindi ako nakapagpigil. I might get you pregnant and I know you're not ready..."

Tiningala ko siya. He stared at me lovingly. Mapupungay ang kanyang mga mata. He kissed my forehead and my nose. Isang patak ng halik sa labi ko ang sunod na ginawa niya. Napapikit ako roon. It was just a peck and I felt like my body was set on low fire. I felt my body wanting for more. Ramdam ko ang tila kuryenteng dumadaloy sa buong katawan ko dahil sa simpleng halik na iyon.

Nagkatinginan uli kami nang magmulat ako. "I'll take a pill later. Magkakaroon na rin ako sa mga susunod na araw. Don't worry about it. Maybe... uh... let's... use a condom next time?" Kinagat ko ang ibabang labi ko at napa-iwas ng tingin. I felt my cheeks burning in embarrassment as I said the last sentence.

Anong next time? Gusto mo pang umisa, Elvira?

"Is your period regular?"

Ngumuso ako. "Yeah..."

I'm worried about getting pregnant too. I'm not ready yet. Kaka-graduate ko lang. Wala pa akong stable na trabaho. Hindi pa rin ako handa emotionally. There is a possibility that I might get pregnant because we had unprotected sex, and I don't know if I will ever be ready for that.

Taas ang mga kilay ni Dani sa akin nang puntahan ko sila sa kubo. Nandoon na si Roilan na pinauna ko na kanina. Nang-aasar na naman ang mga tingin ni Dani. Lumapit ako sa kanya sa sun lounger at naupo sa tabi niya.

"Blooming ah. Bagong dilig?" he joked.

"Shut up," nakangiti kong saad.

"Ay oh, mukhang nadiligan nga ang kanyang rosas."

Binato ko siya ng nahablot kong tuwalya. Patuloy siya sa pang-aasar sa akin.

We ate our lunch in the kubo. Kinabukasan ay nagpunta kami sa mga kalapit na isla para mamasyal. Roilan and I would sneak out from the group. Bigla na lang kaming mawawala at magkukulong sa kuwarto ng mga hotel at resort na pinupuntahan namin habang sila ay nag-e-enjoy sa swimming. At katulad ng napag-usapan, bumili na kami ng maraming condom.

Mabilis na dumaan ang mga araw. Isang buwan ang lumipas. Nakabalik na uli ng Hong Kong si Aaron. Si Dani ay nasa Manila uli habang si Tita Melanie ay nanatili sa isla. Kami na lang uling dalawa ni Roilan.

I started studying for the board exam as soon as we returned to our apartment. Pumapasok ako sa review center na pinag-enroll-an ko noon. Kahit na nasa akin pa rin ang sasakyan ni Dani, inihahatid at sinusundo pa rin ako ni Roilan doon.

Pagkauwi sa apartment, magre-review pa rin ako. Ang kuwarto ko nga ay halos mapuno ng mga scratch na papel at kung anu-anong kailangan kong materials sa pagre-review.

Si Roilan ay sa apartment ko na natutulog. Minsan, habang nagre-review ako, siya naman ay nagtatrabaho sa laptop niya. Minsan, bibisita siya sa site pero babalik din agad sa akin. He's trying his best not to disturb me kahit na gusto niya na lagi akong kayakap.

Katulad ng palagi niyang ginagawa, ipinagluluto niya ako. Minsan, hindi ko na magawa ang mga gawaing bahay kaya siya na ang gumagawa. Pinaglalaba niya rin ako. Hindi ko naman mapigilan at hinayaan na lang dahil hindi ko na rin naman iyon magawa lahat.

Siverio 2: Roses and Thorns Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon