Chapter 8

12.3K 220 29
                                    

“Lagi namang nalilibang sa panunuod ng T.V. si Aaron. Lagi nga lang nasa kuwarto ngayon. Hindi masyadong lumalabas,” ani Ate Pina nang tawagan ko para kamustahin ang kapatid ko.

“Lagi naman pong kumakain? Pinapainom n’yo po ng gatas sa gabi?”

“Kumakain pero hindi na humihingi ng gatas. Sabi niya, malaki na raw siya, hindi na raw niya kailangang uminom ng gatas.”

I smiled with my mouth closed. Noong nakaraan lang, humihingi pa siya ng gatas sa akin tapos ngayon ay feeling niya matanda na siya. 

My brother is not little anymore. I know he’s gonna change. Eventually, he’ll grow up. He’ll learn many new things. He’s going to mature. I know he won’t be little forever, but I don’t think I’ll ever be ready when he grows up. Iiyak siguro ako kapag tumuntong na siya ng highschool at kapag nagka-girlfriend na siya. He's always be my baby brother.

I sighed. “And Dad? Umuuwi po ba d’yan?”

They just came back from Japan. Ilang araw lang sila roon at bumalik agad dito sa Pilipinas. Akala ko magtatagal sila roon.

“Kagabi po hindi umuwi. Sila ni Ma’am Loren…”

Of course, my father isn’t always home because of his job, but Loren? Wala naman siyang trabaho. Buntot lang nang buntot kay Daddy. Mas binabantayan niya pa ‘yon kaysa sa maliit niyang anak. Tapos magtataka pa siya kung bakit hindi malapit sa kanya si Aaron.

But that’s better though. Kapag naman kasama niya si Aaron, lagi lang naman niyang pinapagalitan. Mas okay rin na hindi niya nakakasama ang kapatid ko. Lalo na at wala ako sa tabi ni Aaron. Hindi ko siya maipagtatanggol.

I went downstairs after the call. It’s time for dinner, so I went to the dining room. Naabutan kong mag-isa si Andria sa hapag. She watched me with her usual poker-faced expression. I smiled at her.

“Nasaan sina Lola?” I asked her as I sat in front of her.

“Upstairs,” simple niyang sagot.

Ngumiti uli ako. Mahal talaga ng mga salita niya. Kung bibilhin kaya ang mga ngiti at salita niya, magkano kaya ang halaga?

Maya-maya ay dumating na rin naman sina Lola Aurelia at Roilan. Si Sandro ay wala na naman. Roilan sat beside me. Ngumuso ako para sa pinipigilang ngiti.

“Did you see the invitation letter from the Cortezanos, Lola? May gaganapin pong celebration next month sa kanilang mansyon. It’s the Mayor’s daughter’s eighteenth birthday…” ani Andria.

“Oh, I haven’t seen the invitation. We should go there… I’ll call Benie para masukatan kayo ng susuotin ninyo... And of course, you will come with us, Elvira…” Lola Aurelia smiled at me.

Ngumiti ako pabalik. I would love that. I wanna experience how they celebrate parties here. Boring siguro? But let’s see. Marami kayang tao roon? Kung anak ng Mayor ang may birthday, siguradong maraming bisita.

“I still have coats and slacks that I haven’t used, Lola. Sina Andria na lang po ang magpasukat,” si Roilan.

“Kasya pa ba sa'yo?”

“Yes, ‘La... Okay na po 'yon.”

Malawak na ngumiti ang matanda. “Manang-mana talaga kayong magkakapatid sa inyong ama. Naalala ko, kahit sira-sira at luma na ang mga t-shirt niya, sinusuot pa rin. Kahit kailan ay hindi iyon nanghingi ng pambili ng bagong damit. At si Andria lang ata ang nagmana sa akin sa hilig sa mga damit.” Humalakhak ang matanda.

“Lola," nakangising tawag ni Andria.

Napatitig ako sa kanya. Marunong naman palang ngumiti.

Pagkatapos ng hapunan ay dumiretso agad kami sa aming mga kuwarto. I fell asleep after scrolling through my social media for an hour. Kinabukasan ay tinanghali ako ng gising.

Siverio # 2: Roses and Thorns Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon