Hanggang sa isang port sa Caramoan lang kami inihatid ni Roilan. Tinulungan niya ako sa mga gamit ko at inalalayang makasakay sa bangkang maghahatid sa amin sa resort na aming pupuntahan.
He watched us leave as we boarded the boat. It was weird to see him standing on the beach sand, wearing his all black formal attire.
He was only looking at me and he looked like he was thinking about something deep. And I wanna know what it is... Whatever is on his mind, I wanna know what it is.
“Susunod ako pagkatapos ko sa Legazpi,” he said that earlier before we got out of his car.
Hindi ko siya sinagot. Parang may kung anong naglalaro sa loob ng tiyan ko. Ang isipin na susunod siya ay parang nagbibigay sa akin ng kakaibang pakiramdam. Kahit hindi pa man siya nakaka-alis ay inaabangan ko na agad ang pagpunta niya. I'm already looking forward to it.
We landed in Tugawe Cove Resort. The boat ride was quite long but I still enjoyed it because we were entertained by some of Sandro’s friends, masaya sila kasama… and of course, because of the scenery…
Hindi pa man namin nararating ang aming mga destinasyon, gandang-ganda na agad ako sa mga nakikita.
Kumain at nagpahinga agad kami pagkarating. Matapos ang ilang oras ay naghanda na kami sa island hopping.
It was fun. We enjoyed our stay there. Caramoan is truly a paradise. It has a scenic view of the beachscapes. You will enjoy the pristine white sand beaches, clear turquoise waters, limestone cliffs, lush landscapes, the warm sunshine, the nature itself, at marami pang iba. Masasarap ang pagkain. Ang resort na tinuluyan namin ay maganda at very accommodating ang mga staff. We had a great experience there.
Nag-enjoy naman ako but my mind was elsewhere during our trip. We’re already on our third day at last day na rin pero wala namang Roilan na dumating.
He said he’ll come but where is he?
Last night, I uploaded our pictures to my instagram account. I was shocked when he followed me. He even liked my post. I was expecting that he would send me a message but there was none. I got only disappointed.
But still, I followed him back and stalked his account na wala namang laman. Tapos ang profile niya pa ay picture niya na nakatalikod.
@danimiller
I swear, pupunta talaga ako riyan, Elvira. Medyo busy lang ako ngayon. Pero kapag tapos na ako sa mga gawain ko, lilipad agad ako riyan! Ipakilala mo ako sa mga 'yan!
Parang naka-abang naman lagi si Dani sa mga post ko at siya ang nangunguna sa pag-like. He's serious when he said he wants to come here. Masyado lang iyong abala dahil sa business niya.
Today is our last day. Para sa araw na ito, mananatili lang kami sa resort. Some will try the infinity pool which overlooks the sea. The others will go kayaking and snorkeling later. Ang iba ay pupunta sa lighthouse.
Pero mga tulog pa sila ngayon. Mga tanghali siguro sila babangon dahil mga napagod kahapon. Nagising lang ako ng maaga at hindi na makatulog kaya naisipan kong mauna nang lumangoy sa infinity pool. Mamaya ay susubukan kong mag-jetski.
Wearing my silver, triangle bikini set, I entered the pool area. Walang katao-tao kaya tahimik ang lugar. Tanging ang mga alon mula sa karagatan at ang huni ng mga insekto sa paligid ang maririnig.
The scenic view of the sea is breathtaking. The sun blooms on the horizon, its golden light stretches across the sky, casting all its colors onto the sea water.
Nagsimula akong lumangoy. Sumisid ako sa ilalim at umahon sa dulo ng pool. Tinanaw ko ang sumisilip na araw sa kagiliran. The sunrise looks spectacular and magical. Payapa ang mga alon. May ilang ibong nagliliparan. Ang mga puno ay buhay na buhay sa tingkad ng kulay.