Chapter 36

16.5K 190 47
                                    

“Roilan is a Siverio— born with a silver spoon in his mouth. He grew up in a wealthy and respectable family. Nag-aral sa magagandang eskuwelahan at isang engineer ngayon, pero pinagluluto at pinaghuhugas mo lang sa kusina?” nang-aasar na sabi ni Dani sa akin.

We’re both in the living room while Roilan is in the kitchen, washing the dishes again. Katatapos lang namin magdinner. Rinig dito ang kalansing ng mga kutsara at umaagos na tubig mula sa kusina.

“Siya naman may gusto niyan. Hindi ko ‘yan inuutusan,” nakasimangot kong sabi.

“Hm?” he rolled his eyes. “Saan matutulog ‘yan ngayon?”

“Uuwi siya sa unit niya.”

“Talaga? Okay lang na hindi mo siya katabi ngayong gabi? Maulan pa naman. Malamig.”

“May kumot, Dani.”

“Pero iba pa rin ang init na hatid ng mga yakap ng isang Roilan Siverio. Walang binatbat ang makapal mong kumot.”

Matalim kong tinitigan ang kaibigan ko. Hindi na talaga ako tinigilan nito.

He smirked at me. “Malaki ka na, Elvira. And you’re not virgin anymore. I bet you suck better than me now.” Umangal agad ako sa sinabi niya at hinampas siya sa braso.

“What?” natatawa niyang sabi. Sinamaan ko siya ng tingin. “Huwag mong sabihing hindi mo ginagawa?”

“Hindi talaga!”

Tumawa uli siya. “Imposible! If you want some tips and new knowledge about how to pleasure your partner, you can ask me, darling. Magaling ako d’yan!” He winked at me.

Lalo akong sumimangot sa kanya, ang pisngi ay nag-iinit na dahil sa nararamdamang hiya. “Dani!” saway ko sa kanya na tinawanan niya lang uli.

“Anyways, bukas aalis ako ha? May pupuntahan akong kaibigan. Mga ilang araw ako roon. Balik ako before your graduation. Hindi naman kasi kita maisasama dahil may practice ka sa school. Bawi na lang tayo after your graduation. And… mag-bebe time ka na lang muna rito habang wala ako,” muling asar niya na sinamaan ko lang ng tingin.

Maaga akong nagising kinabukasan. Si Dani ay naghahanda na sa pag-alis. Naabutan ko siya sa living room paglabas ko ng kuwarto.

“Gamitin mo na car mo,” sabi ko sa kanya.

Nilingon niya ako. “Paano ka?”

“Uh, ihahatid-sundo naman ako ni Roilan…” sagot ko nang hindi tumitingin sa kanya.

Sinabi naman ni Roilan sa akin kagabi na ihahatid at susunduin niya ako sa school.

He chuckled. “Ganap na ganap, ah? Sige ha? Hiramin ko muna car. Nand’yan naman pala si Daddy Roilan,” pang-aasar niya.

Bago umalis ay ilang ulit pa akong inasar. Naghanda na rin ako sa pagpasok. May kailangan akong ayusin sa school ngayong umaga at sa hapon ay practice naman.

“You’re still on leave?” tanong ko kay Roilan nang nasa first floor na kami ng apartment.

Tumikhim siya. “Pupunta ako mamaya sa site... pagkahatid ko sa’yo...”

Nilingon ko siya. Sabay kaming naglalakad. Sa paligid ay maririnig ang tunog ng maingay na cellphone at halakhak ni Aling Pedra. Nanunuod na naman ng kung ano.

Pagdating sa school, inusisa na naman ako ng tatlong chismosa. Hindi ko sila inintindi at nagfocus sa practice. Sa hapon, muli akong sinundo ni Roilan. At sa gabi, nagluto siya ng hapunan naming dalawa. Ganoon ang routine namin hanggang sa dumating na ang araw ng graduation ko.

Siverio 2: Roses and Thorns Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon