I know that I’ve said I'm happy now with my life. I love where I am right now. I’m in love with my version right now. I am in love with my new life… but I always feel like something is missing and I can’t quite put my finger on it.
You know that feeling? The feeling as if the flowers in my garden have dried up until they faded and wither.
And it torments me… the feeling of something is missing… the emptiness.
I sighed as I stared at my brother’s photo on my phone screen. His eyes, cold and empty and he’s not smiling at the camera. It reminds me of someone.
Behind him was the Nan Lian Garden. Parang pinilit lang na kunan siya ng picture dahil halatang hindi niya gusto. He’s twelve now. My brother’s not little anymore. Tumangkad na siya ngayon. Siguro hindi rin nalalayo ang tangkad niya sa akin.
After two months of detention, the Muntinlupa City Regional Trial Court, granted Loren’s release on bail. May nagpiyansa sa kanya habang kay Daddy ay wala.
Tita Vanessa didn’t bother to help Dad with his case. Hinayaan niya si Daddy na magdusa sa kulungan. She said he needs to pay and learn from his mistakes.
Patong-patong ang mga naging kaso ni Daddy. He was also convicted for illegal possession of firearms. At dahil nalulong din sa casino, nagkaroon siya ng maraming utang, kaya marami ang nagsampa ng kaso laban sa kanya.
He took all of the money I had in my savings account. Kaya pala hindi gumana ang mga cards ko noon. Kinuha niya lahat para ipambayad sa mga utang niya. Kahit piso wala siyang tinira. Pero hindi pa rin naman niya nabayaran lahat ng utang niya.
Walang tumulong sa kanya. All his friends suddenly cut him off. Tinalikuran siya ng lahat. Ayaw na nilang ma-involved sa kanya. No one dared to help him out. Even his own family. Even Loren.
Nang makalaya si Loren, hinayaan niya na si Daddy. Iniwan at tinalikuran. Siningil siya ng mga taong may utang kay Daddy pero itinanggi niyang hindi niya alam ang mga iyon. She refused to pay all of my father’s debt and she has plans to go abroad.
“How dare you take my son! Puwede kitang kasuhan ng kidnapping!”
Sumugod agad si Loren sa Cebu nang makalaya siya para bawiin si Aaron. Galit na galit siya. Sa akin at kay Tita Melanie.
Tita Melanie didn’t say anything. Hinayaan niyang magsalita ng masasama si Loren sa mismong bahay niya. Nanatili rin akong tahimik habang nakayakap sa akin si Aaron. He’s scared. He wouldn’t let go of me.
“I-I don’t want to go with h-her…” humihikbing sabi ni Aaron.
Hinaplos ko ang kanyang likod para aluhin siya. Ayaw ko ring malayo siya sa akin pero wala akong magagawa. Si Loren ang nanay niya. Higit na mas may karapatan siya kay Aaron. Gusto ko man siyang ilayo kay Loren pero wala akong lakas ng loob na gawin iyon.
“Mangako ka na hindi mo papabayaan ang kapatid ko.”
Pilit kong binaba ang pride ko at nakiusap sa kanya para sa kapatid ko. I just want my brother to be safe. I just want him to be okay.
“Huwag mo akong turuan, Elvira. Anak ko ‘to. Malamang, hindi ko ‘to papabayaan. Kung iiwan ko ‘to sa’yo, baka ikaw pa ang magpabaya. Knowing you? Wala ka namang ibang alam sa buhay kundi ang magparty at lumandi.”
I clenched my jaw. I gritted my teeth as I tried to calm myself. Huminga ako ng malalim at marahang kinalas si Aaron mula sa pagkakayakap sa akin.
“No, Ate… p-please… I don’t want to leave you here… Ayaw ko sa kanya…” He was sobbing inconsolably.
