“Ang sakit ng ulo ko…”
Tulala ako habang nagkakape sa kusina nang biglang sumulpot si Dani, halos pikit pa ang mga mata at nakahawak sa kanyang ulo. Suot pa rin niya ang damit niya kagabi.
“Aga pa, ba’t bumangon ka na?”
Ala sais pa lang ng umaga. Usually, kapag ganitong may night out si Dani, 12 pm na siya nagigising. As in, diretso ang tulog niya hanggang twelve.
Almost four o’clock na kami umuwi kanina. Simula noon hindi pa ako dinadalaw ng antok kaya heto at nagkape na lang at tumunganga.
I couldn’t sleep. My mind is clouded with thoughts of Roilan. I couldn’t stop thinking about him. Para tuloy akong sabog ngayon. Walang tulog kaya lumilipad ang isip. Hindi ko alam kung bakit ko ba iniisip ang taong iyon.
“Iinom lang ako ng tubig… Uhaw na uhaw na ako…” sabi niya at mabilis na lumapit sa maliit na refrigerator.
“You were so drunk last night. I bet you don’t remember what happened and how we got home,” I said.
Naupo siya sa harap ko at nilapag sa lamesa ang basong ininuman niya. Sumandal siya sa upuan at kunot-noong tiningnan ako.
“Wala na akong maalala. May nangyari ba? Wala naman akong ginawang kalokohan?”
Umiling ako. “Wala naman. Pero si Roilan ang naghatid sa atin kanina. Naaalala mo ba?”
Napasandal siya sa lamesa at nanlalaki ang mga mata sa sinabi ko. “Huh? Si Roilan Siverio? Paano?”
Ngumuso ako. “Inabot tayo ng madaling araw. Ang tagal kong naghintay ng taxi sa daan pero walang dumadaan. Roilan offered to take us home. I had no choice… Hindi tayo makakauwi kaya... pumayag ako,” sabi ko sa maliit na boses.
“Wow… Parang pilit kayong pinagtatagpo ng tadhana ngayon, ah?” he suddenly joked.
Umirap ako. “Dalawang beses pa lang kaming nagkita. It was just a coincidence.”
“I bet not. It was destiny,” he said dreamily.
“That’s too cheesy, Dani. Naniniwala ka sa ganoon? Hindi ka ganyan.”
“Oh, ikaw hindi? Ganoon ka dati ‘di ba? Living wild, young and free ang motto pero naniniwala sa destiny, sa fairytales, isang hopeless romantic! Don’t try to deny it. Pa marriage marriage before sex ka pa ibibigay mo rin pala sa isang Siverio ang iyong perlas ng silanganan.”
Halos mabilaukan ako sa sariling laway dahil sa sinabi niya. “Dani!”
He sighed dramatically as he looked at me straight in the eyes. “Come on, Vira. Hindi mo na ba gusto? Oo na, hindi mo minahal pero imposible namang hindi mo nagustuhan ‘yun. That’s Roilan Siverio. Why would you make him your boyfriend if you didn’t like him before ‘di ba?”
Kinunot ko ang noo ko. Of course, I did like him before. What was my reason before? Ah, that's because he’s handsome and I liked kissing him... I liked his kisses. I liked him before, but now? Hindi na siguro.
“No,” I said firmly.
“Weh? Namumula tainga mo. You’re lying.”
Napahawak ako sa mga tainga ko at sumimangot sa kanya.
“Hindi nga kasi… Tss… Oo na, noon gusto ko siya— nagustuhan ko siya, pero hindi na ngayon. It’s been years, Dani. My feelings has changed,” sagot ko nang hindi tumitingin sa kanya.
I heard him sighed. “Okay. Let’s stop talking about him na lang nga. Magpahinga muna tayo ngayong umaga, at mamaya, uuwi na tayo sa isla. Tita Melanie texted me kanina. Nagtatanong kung anong oras tayo uuwi. Miss na miss na tayo ng nanay natin.”