Chapter 14

16.5K 270 32
                                    

Roilan is now my boyfriend. 

But he’s a liar! 

He deceived me! Simula no’ng maging kami, lalong hindi na niya ako pinagbigyang makahalik! Kapag hahalik ako sa kanya, lagi siyang umiiwas.

Parang gusto kong makipagbreak na lang dahil wala rin namang kuwenta. I can’t kiss him! I agreed to be his girlfriend because I want his kisses! Pero bakit ganito? Ang daya-daya niya!

I glared at him when I saw him talking to a girl na isa sa mga anak ng mga bisita ni Lola Aurelia. May maliit na pagsasalo sa mansyon kaya narito sila. Mga matatanda lang dapat pero hindi ko alam kung bakit kasama pati ang mga babaeng anak at mga apo nila.

I don’t know if Roilan wants our relationship to be kept in secret pero mukhang iyon naman ang gusto niya kaya hindi ko rin pinapahalata. At hindi ko nga alam kung ano ang magiging reaksyon nina Lola Aurelia kapag nalaman nila. Masyado kaming mabilis kaya baka magulat sila.

Pero parang gusto kong magwala ngayon at sugurin si Roilan at agawin sa babaeng kausap niya. I want that girl to know na pagmamay-ari ko na ‘yang kinakausap niya! Gusto kong malaman ng lahat na boyfriend ko 'yang nilalandi nila!

But wait… Didn’t I like him only because he’s handsome and because of his kisses? Why am I acting this way!

“You should visit our shop sometimes. Siguradong magugustuhan mo roon...”

I rolled my eyes, making a face and mimicking what the prick is saying. Ang arte-arte magsalita, akala mo maganda!

“Hey, Roilan!” Another prick appeared from nowhere.

“It's been a long time, Roilan! Ngayon lang kita nakita!”

“I thought Leandro is here, too! Ikaw lang umuwi Roilan?”

“Magtatagal ka ba rito?”

“Madalas ako sa Manila. We should hangout sometimes!”

Halos mahilo na ako kaka-ikot ng mga mata ko. Bakit ang daming babae!

Nawala lang ang inis ko nang biglang dumating si Sandro kasama ang mga kaibigan niya. Mabilis akong lumapit sa kanila sa sobrang excited. I missed them!

“Elvira!” Tristan greeted me.

“Iinom kami. Sama ka uli ha!” si Calla.

“Wow! Nagpakulay ka uli! Your new hair looks good on you!” ani Gayle.

“Kahit anong ayos ng buhok ay bagay ata sa’yo, Elvira!” Mari said.

I giggled. “I missed you guys!”

Sa likod agad sila dumiretso kasama ako. Hindi ko na pinansin si Roilan na abala sa pag-entertain sa mga babaeng bisita. Bahala siya riyan.

Nalibang ako sa kuwentuhan at inuman. Ilang nga kaibigan ni Sandro lang ang narito kaya sa iisang lamesa na lang kami lahat.

Napapagitnaan ako ni Tristan at Mari. I was laughing so hard at Tristan’s joke. Nasa kalagitnaan ako ng pagtawa nang biglang sumulpot si Roilan na mariing nakatitig sa akin at tila galit. Nabitin tuloy sa ere ang tawa ko.

“Roilan! Come join us!” si Gayle.

“Nandito pa pala si Roilan? Mukhang matagal ang bakasyon niya ngayon, ah?” tanong ni Calla kay Sandro.

Nagkibit-balikat naman si Sandro at makahulugang tumingin sa akin. Saka niya binalingan ang kapatid at nginisihan.

Roilan joined our table. Sa harap ko siya nakaupo. I raised a brow at him. Why are you here? You done flirting with your girls?

Siverio 2: Roses and Thorns Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon