"Ayoko!"
"Ehhh! Na-schedule ko na eh."
Binuksan ko ang pintuan ng bahay at dumiretso sa loob. "Promise Madie hindi ka magsisisi! Classy ang isang 'to!"
"Ke prinsipe pa 'yan ng ibang bansa AYOKO PA RIN."
"Ay we?" sumunod siya sa likod ko. "Sige na please? Nai-set ko na eh."
"Bakit hindi mo man lang ako tinanong bago mo i-schedule?!" hinarap ko siya kaya nakangiti siyang umatras habang nakapikit ang isa niyang mata... at mukha pang tuwang tuwa na umuusok na ang ulo ko sa inis.
"Ikaw ang pumunta ro'n! Basta ayoko! Bahala ka sa buhay mo."
"Ehhhh! Madieee!"
Sinundan niya pa ako hanggang sa kwarto. "Ngayong Friday night lang naman eh. Kung hindi mo magustuhan edi uuwi tayo."
"Bea naman!"
"Sorry pero nasabi ko na."
"Arrgh! Marami pa akong gagawin!"
"Ito naman, Friday naman kasi ng gabi 'yon! Kinabukasan Saturday na oh edi saka mo nalang gawin 'yong mga gagawin mo."
"Sa'yo ko kaya ipagawa?!"
"As much as I wanted... may date rin ako ahehe."
Binato ko na siya ng sapatos kaya dali dali na siyang lumabas ng kwarto. "Magpaganda ka sa Friday ah!"
"Beaaa!"
Kinabukasan ay tahimik akong pumasok sa trabaho. Si Bea ay nakangiti lang at pabati-bati sa mga istudyante. Halatang nasa mood.
Tumigil ako sa paglalakad at hinarap ko siya.
"Anong pangalan niya?"
Huminto rin siya... saka unti unting napangiti. "Intresado ka na sa wakas?"
"Shut up and just give me the name."
"Jameson Tejano."
Napairap ako saka na ulit naglakad. Sumunod agad siya sa'kin. "Oh ano sa tingin mo?" tanong niya.
"Pangalan pa lang mukhang hindi na gagawa ng mabuti."
"Oy grabe ka naman! Judgemental ka gorl? Hindi naman lahat ng lalaki kapareho ng ex mo no!" sinamaan ko siya ng tingin. "Try lang tapos kapag hindi mag-work... edi goodbye."
Napabuntong hininga ako. "Ayoko na ng laro Bea. Kung maghahanap man ako, gusto ko 'yong date-to-marry na agad."
"Oh sakto! Matinong lalaki si James!"
"Ugh! Paano mo naman nasabi?" umirap ako.
"Okay naman kasi siya, mabait, kaibigan siya ng kaibigan ko."
"You mean ka-fling mo?" tinaasan ko siya ng kilay.
"Uhm... hehe! Parang gano'n na nga."
"Kilala ko ba 'yan?"
"Of course." malapad siyang ngumiti.
"Sino?" tanong ko, kuryuso.
"Hindi ko muna sasabihin sa NGAYON. Saka na kapag lumagpas pa kami sa pagiging magka-fling."
"Sige umasa ka diyan. Sinasabi ko sa'yo..."
Ngumiti lang siya. "I got this, friend. Wag kang mag-alala."
Kaya noong dumating na ang Friday ay halos kaladkarin na ako ni Bea palabas ng school.
"Dali! 8:30 ang usapan! Magpapaganda ka pa!"
YOU ARE READING
Favorite Mistake (Unraveled Hearts Series #1)
RomanceEverybody makes mistake. And this is my favorite mistake.