Binato ko ulit siya ng bolster.
"Matutulog na'ko. Mamayang 3 am ah! Nagci-crave ako ng pancit canton ngayon." tumayo na ako at nag-inat-inat na.
"Ayaw mo ulit manuod?" tanong niya, pinaglalaruan ang tenga ni Mili.
"Inaantok na'ko." inagaw ko sa kaniya ang laruan. "Kailan mo 'to binili?" tanong ko.
"Yesterday..."
"Saan?"
"Store..."
"Syempre, doon. Pero saang store?"
"Bakit?" tanong niya.
"Wala lang." naglakad na ako yakap-yakap si Mili. "Matutulog na kami!" kumaway ako sa kaniya at saka na pumasok sa kwarto.
Nang makapasok sa loob ay ginaya ko ang itsura ni Mili at nakipagtitigan sa kaniya. Mayamaya'y natawa ako. Ang bango-bango at ang cute cute niya!
"Tama na 'yan."
Nilingon ko si Kael na kapapasok pa lang ng kwarto at nilolock ang pinto.
"Dito ka matutulog?" tanong ko.
Kumunot agad ang noo niya. "Saan ba dapat?"
Napakurap ako saka tiningnan si Mili. "Okay, sa kama ka ako sa sahig." kumuha na ako ng mga unan.
"What?" pinulot niya ang mga unan sa sahig at ibinalik sa kama. "Ba't diyan eh ang laki-laki naman ng kama para sa dalawa?"
Kumuha ulit ako ng unan. "Bawal tayong magtabi."
"Sinong nagsabi?"
"Ako, may iba pa bang tao rito?"
Nagsalubong naman ang dalawa niyang makakapal na kilay. "Bakit bawal?"
"Eh mamaya biglang pumasok mama mo eh," pabiro kong sabi.
Ang isang unan na kukunin ko pa sana ay hinila niya kaya hindi ko nakuha.
"Sa kama ka," sabi niya.
Pinulot niya lahat ang mga unan sa sahig at ibinalik sa ibabaw ng kama.
"Ikaw nalang sa sahig?" tanong ko.
"Sa kama tayong dalawa." naupo na siya sa kama at hinila ako. "Come on, hindi pupunta rito si mommy."
"Di ka sure."
Napabuntong-hininga siya.
"Nakalock lahat. Walang makakapasok dito."
Hindi ako sumagot at tinitigan lang si Mili.
"Akin na si Mili, matutulog na rin siya."
Wala akong nagawa nang agawin na niya si Mili at pinuwesto sa study table niya. Nagtaas ako ng kilay. "Matutulog pero sa desk lang siya?"
Tiningnan niya ang sitwasyon ni Mili. "Diyan talaga ang pwesto niya."
"Hindi, akala ko ba anak ko 'yan ba't diyan lang siya?" tumayo ako at kinuha si Mili. "Tatabi siya sa'kin."
He blinks twice. "Right... fine."
I patted Mili's head before placing him on the bed. Nasa gitna siya sa'min ni Kael.
"Doon siya sa gilid," sabi niya.
"May anak bang nilalagay sa gilid?"
Pinasadahan niya ng palad ang kanyang mukha. "Baka maipit siya sa gitna."
Magrereklamo pa sana ako kaso kinuha na niya si Mili at pinuwesto sa gilid niya.
"Bakit mo ba nilalayo sa'kin ang anak ko?"
YOU ARE READING
Favorite Mistake (Unraveled Hearts Series #1)
RomanceEverybody makes mistake. And this is my favorite mistake.