Chapter Eight

143 7 0
                                    

Tahimik kaming bumalik sa bahay. Dumiretso ako sa kusina para hanapin sila Bea pero naistatwa nalang ako nang madatnan ko silang naghahalikan doon.

Nakaupo na sa mesa si Bea habang nasa gitna naman ng hita niya si Carter.

"Oh my gosh!" I gasped. Wala sana akong balak istorbuhin sila pero naunahan na ako ng gulat. Agad ko namang tinakpan ang bibig ko at lumabas na sa kusina.

"Oh shit!" rinig kong sabi ni Bea.

"Why? What's wrong?" tanong ni James sa'kin nang bumalik ulit ako at nakasalubong ko siya suot pa rin ang gulat kong mukha.

I mean alam ko namang lapitin talaga ng mga lalaki ang kaibigan ko. Alam ko ring maraming nagtatangkang manligaw sa kaniya at alam ko ring marami na siyang nakilalang lalaki na hindi niya naman jinojowa.

Pero alam nating last day lang heartbroken siya diba? Para pa ngang pinagbagsakan siya ng langit at lupa those days tapos makikita ko siyang ganiyan? Kay Carter pa?

Kailangan na niya talaga ng holy water.

Nakakunot ang noo ni James at nang wala siyang nakuhang sagot sa'kin at didiretso na sana sa kusina nang pigilan ko siya.

"No no! Don't." bulong ko... natataranta.

"Why?" naguguluhan niyang tanong.

"B-Basta..." binitawan ko siya at nagsapo nalang ng noo dun sa may living room.

"Are you okay?" nag-aalala niyang tanong.

"Yeah I'm fine." Sinulyapan ko ang kusina at hindi ko pa rin sila nakitang lumabas doon.

Naku talagang babae ka!

They're not just kissing there! If you know what I mean...

Mababaliw ata ako ngayong gabi sa nasaksihan. Paulit-ulit na nagre-replay sa utak ko ang itsura nila.

Umabot kaya sila?

Winaksi ko agad 'yon sa utak ko. Pero hindi talaga maalis sa utak ko ang mukha nilang parang may aabutin na pero hindi nila naabot dahil dumating ako.

Hindi na talaga tama ang mga pinaggagawa ng babaeng 'to. Isa pa 'tong Carter na 'to!

Pagkatapos ng ilang minuto ay lumabas na sila sa kusina. Hindi sila makatingin sa'kin... kung nahihiya sila mas doble naman ang hiya ko.

"Carter what the hell?" mahinang sabi ni James na parang nagets na agad ang happenings.

Tumingin ako kay Bea na inaayos pa ang damit niya. Mabilis pa rin ang tibok ng puso ko. Bakit gano' n? Mas kabado pa ako kaysa sa gumawa? Hindi naman ako 'yong nahuli.

"I'm sorry Madie..." paulit ulit na sinasabi 'yon ni James nang paalis na sila. Siya na raw ang humihingi ng tawad sa inasta ng kaibigan niya sa bahay.

Tahimik nalang akong tumango.

Bumuntong-hininga siya. "I'm really sorry."

"James okay lang... wala ka namang ginawang masama. Mag-iingat nalang kayo sa pag-uwi."

Umawang ang bibig niya na parang mayroon pang sasabihin pero tinikom nalang niya agad 'yon at bumuntong-hingang muli.

"I will call you tomorrow... I'm sorry again."

Tumango ulit ako.

Nagpaalam na siya pagkatapos ay pumasok na sa kotse kung saan nandoon na si Carter sa loob kanina pa. Si Bea naman ay hindi na lumabas ng bahay para ihatid sila James sa gate.

Nang umalis na ang sasakyan nila ay saka naman ako pumasok sa loob. Wala si Bea sa sala kaya sa kusina naman ako nagpunta.

Naabutan ko siyang umiinom ng tirang wine do'n. Nilapitan ko siya at inagaw ang baso sa kamay niya.

Favorite Mistake (Unraveled Hearts Series #1)Where stories live. Discover now