Chapter Sixteen

134 4 0
                                    

"Papatayin mo ba'ko?" ang naging tanong ko nalang nang dalhin niya ako sa patag na lupa na may malapit na bangin sa baba. Puro matutulis na mga bato sa baba at malalakas ang mga alon kaya ganoon nalang ang takot ko nang dalhin niya ako roon.

"Anong gagawin natin dito?" tanong ko ulit nang hindi niya ako sinagot. Madilim ang buong paligid at ang tanging kotse lang niya ang nagsisilbing ilaw sa buong lugar. Tumila na rin ang ulan, malamig ang hangin at basa ang lupa. Tahimik ang paligid, walang katao-tao, kahit ata magsisisigaw ka rito ay walang makakarinig sa'yo.

"Kael?" sinilip ko siya sa likod at nakita ko siyang may kinukuha doon. "Ano bang ginagawa mo riyan?" niyakap ko ang sarili ko. "Anong lugar ba'to? Nakakatakot naman!"

Dumungaw siya saglit sa'kin. Inunat ang kamay para kunin ako doon at ipunta niya ako sa unahan niya.

Tingnan ko siya sandali pero hinayaan ko nalang. Tumingin ako sa kung anong bagay na kinukuha niya at nakita kong picnic blanket 'yon.

"Ngayon mo pa talaga naisipang mag-picnic?!" nilingon ko siya. Ngumiti lang siya at hinila na ako. Nakabukas na ang flashlight ng cellphone niya. Nang patayin niya ang ilaw ng kotse ay napatalon ako. Biglang dumilim ang paligid kahit na may flashlight siya sa kamay niya.

"KAEL!" ang natataranta kong sigaw.

Papatayin ba ako nito? Ibabalot ang bangkay ko sa kumot na hawak niya at saka itatapon sa bangin? Pero bakit?

Magrereklamo pa sana ako nang unti-unting lumiwanag ang buong paligid dala ng mga bituin sa kalangitan.

Napakurap ko. Tumingin ako kay Kael na ngayon ay nakangiti na.

"Maganda diba?" humiwalay siya sa'kin at tumingala sa langit. Tumingala na rin ako. Bilyon-bilyong mga bituin ang nasa kalangitan at mas nadepina pa ang liwanag nila nang dahil sa madilim na paligid.

"I'm sorry kung bigla nalang kitang niyaya rito. It's just that... I feel like I needed to be here... with you."

"Mumurderen mo'ko rito?"

Ngumisi siya. "Ma'am talaga oh,"

Naglatag na siya ng kumot sa damuhan at naglabas ng pagkain na hindi ko alam na may dala pala siya. So picnic nga ito? Ang wierd niya minsan. Nag picnic sa gabi, niyaya lang ako out of nowhere? On the spot kaya 'yong plano niya o matagal na niyang gustong pumunta rito?

Tinapik niya ang espasyo sa tabi niya nang maupo na siya, sinasabing tabihan ko siya. Wala akong nagawa kundi ang umupo sa tabi niya.

"Baka itulak mo'ko sa bangin ah," biro ko pero may halong kaba. Malay natin, bigla nalang siyang sapian at itulak ako.

He laughed while shaking his head. "Natatakot ka?"

I shifted. "Hindi naman." sagot ko.

Naglabas pa siya ng tela pero 'yong manipis na at ipinatong sa likod ko. "Baka lamigin ka."

Inayos ko 'yon sa likod ko. "Eh ikaw?" tanong ko sa kaniya.

"Yakapin mo nalang ako." ang pang-aasar niyang sagot.

Binatukan ko nga. "Chansing ka na kanina pa ha!"

Napahawak siya sa ulo niya kung saan ko siya nabatukan at natatawa lang na tumingin sa'kin.

"Sadista... mukhang ikaw pa nga ata ang magtutulak sa'kin sa bangin eh."

"Oo kaya umayos ka riyan."

"Alam mo kahit anong gawin ko sa'yo rito, wala ka rin namang magagawa. Walang makakarinig sa'yo rito."

Biglang nagsitayuan ang mga balahibo ko sa batok. Sinasabi ko na nga ba!  "Anong gagawin mo, ha?!"

Ngumuso siya at humalik sa pagitan namin, muntik nang mahalikan ang labi ko.

Favorite Mistake (Unraveled Hearts Series #1)Where stories live. Discover now