Warning! R-18
Malamig na nang mga alas tres ng madaling araw pero heto ako't nakaupo sa counter suot lang ang malaking t-shirt ni Kael, walang bra at tanging panty lang ang suot pang-ibaba. Though, hindi siya kita kasi oversized ang damit na suot ko.
Kael was not wearing any upper clothe because I'm wearing his so he's half naked in front of me.
Napapikit ako nang matikman ko na ang kahahain pa lang na pancit canton. Nagutom ako sa kalokohan namin kanina. Wala pa kaming tulog pero ewan ko ba, hindi ako inaantok.
"Baka naman madalas kang kumain ng mga instant noodles ah, this is not healthy," sabi niya na nakakailang subo na ng pancit canton.
Protective boyfriend mode check.
Although he's not my boyfriend but... he will gonna be. Hindi pa nga lang ngayon.
"Pang midnight snack ko lang 'to kapag sinusumpong ang tiyan ko sa gabi or pag nag oovertime ako sa kakatrabaho." inikot-ikot ko ang tinidor doon.
"Seriously, this isn't good for your health."
Tumango nalang ako para matigil na siya. "Oo na, hindi naman kasi madalas eh."
Binaba na niya ang tinidor at saka naglakad papuntang ref. Kumuha siya ng pitsel doon at nagsalin ng tubig sa baso.
"Oh, ayaw mo na?" tanong ko.
"Busog na'ko," sagot niya.
Pinagtaasan ko siya ng kilay. "Busog eh nakaapat na tinidor ka lang."
Hindi niya ako sinagot at binaba ang baso sa counter. Matagal niya akong tinitigan.
"And I ate yours so I think that's counted?"
Bigla akong napaubo.
Ngumisi lang siya at inabot ang baso ng tubig sa akin. Mabilis kong kinuha 'yon at uminom doon. Umakma akong tutusukin na siya ng tinidor kaya lumayo siya nang konti sa'kin.
"Matulog ka na nga du'n! Ako na uubos nito."
Sumandal siya sa counter. "Hintayin kita."
"Wag na! Matagal pa'ko rito. Ayoko ng minamadali ako sa pagkain."
"Hindi naman kita minamadali."
"Yeah, right. Presensya mo pa lang dito parang kailangan kong magmadali."
"Just don't mind me here." hinaplos niya ang medyo mahaba niyang buhok pataas kaya napunta ang atensyon ko doon.
"May plano ka bang pahabain 'yan?" tukoy ko sa buhok niya.
Hinaplos niya ulit 'yon. "Alin mas bagay?" tanong niya.
Nagbikit-balikat naman ako. "Kahit ano."
"I bet you want this long?" tumawa siya.
Napanguso ako. "Ayaw mo nu'n may nakakapitan ako t'wing ano..." yumuko ako at nagkunwaring kumain ulit ng pancit canton. Kahit gusto kong matawa sa pinagsasabi ko ay pinilit kong pigilan ang sarili ko.
Can't believe I said that to him.
"Ano?"
Nag angat ako ng tingin at nakita ko kung paano nanliit ang mga mata niya. Napakagat-labi ako para magpigil ng tawa.
Binitawan ko ang tinidor. "Busog na rin ako. Matulog na tayo?" sabi ko at bumaba na sa counter. Sinundan niya lang ako ng tingin. Hindi ko siya pinansin at nagpuntang lababo para maghugas ng kamay.
Agos lang ng tubig sa gripo ang naglilikha ng ingay sa kusina.
Marahan siyang napatikhim. "Madie..."
YOU ARE READING
Favorite Mistake (Unraveled Hearts Series #1)
RomanceEverybody makes mistake. And this is my favorite mistake.