"Okay, time's up! Pass your paper class." I clapped my hand and stood up to collect the papers.
Si Elise ang komolekta ng mga papel sa first row. Nakangiti ko siyang nilapitan at kinuha ang mga papel sa kamay niya. Kakaiba ang mga tingin niya ngayong araw. Hindi na niya matanggal-tanggal ang tingin niya sa'kin mula pa kanina. Hindi mo malalaman kung inoobserbahan ka ba o may alam siya sa mga nangyayari sa'yo.
"Yes, Elise?" tanong ko. Napakurap siya at nag-iwas ng tingin.
"Wala po, ma'am." sagot niya.
Tumango ako at lumipat sa ibang row para kunin ulit ang mga papel.
Hanggang sa natapos ang klase ko ay nahuhuli ko pa rin siyang nakatitig sa'kin pero iiwas agad at magkukunwaring hindi nakatingin sa'kin kanina.
Napapakunot na ang noo ko.
Something's really off.
"What about Elise?" tanong ni Kael nang maligaw na naman ako sa condo niya. Hinatid ko lang 'yong ginawa kong cookies para sa kaniya since ilang beses na niya akong pinagluto rito. Todo parinig din siya lately na si James may cupcakes at siya wala.
Nilapag ko ang jar ng cookies sa counter at tumingin sa kaniya. "Buong klase ata siyang nakatingin lang sa'kin eh. Ang wierd niya ngayon. May sinabi ka ba sa kaniya kaya siya gano'n ngayong araw?"
Kumunot lang ang noo niya at umiling. "I didn't tell her about us."
Umangat ang isa kong kilay. "Anong about us? Hindi naman 'yon ang tinatanong ko."
"She's just like that." naglakad siya papuntang ref at nilagay ang pitsel sa loob. Nang mapatingin siya sa jar ng cookies na dala ko ay nag-iba ang ekspresyon niya. Parang gustong ngumiti pero pinipilit wag ipakita.
"Kumusta na pala siya?" tanong ko.
"Elise?" tanong niya. "I visited home yesterday. I think she's acting wierd lately too... palagi nalang siyang nakangiti."
"Nang mag-isa?" tanong ko.
He looked at me. "No, actually... but whenever she talks, she's always smiling. Even eating or walking. I'm so bothered."
"Ito naman baka masaya lang 'yong bata!"
"No, it's really not normal." sumandal siya sa ref. "May napapansin ka bang madalas na lalaking kausap niya?"
Kumunot ang noo ko sa kaniya. "Wala naman. Bakit?" tanong ko.
Tumahimik lang siya.
"You think Elise is in love?" tanong ko.
Lumikot ang mga mata niya. Napailing siya. "Sana crush pa lang." sabi niya dahilan para mapatulala ako.
So, ganito pala ang mga itsura ng mga kuya na ayaw magka-boyfriend ang mga nakababata nilang kapatid na babae? Kael was one of them.
"What if may boyfriend na nga siya?" tanong ko sa kaniya.
He just shook his head. "Hindi pa pwede. At saka hindi pa siya gaanong maayos."
Napangiti lang ako. "Maybe she's just starting her new beggining. Bata pa siya kaya naiintindihan kita pero lahat tayo dumadaan diyan."
Hindi siya nakapagsalita.
"Here, I baked you cookies!"
Ngumiti siya. "Thanks, ma'am!"
Pinagkrus ko ang braso ko at sumandal sa counter. Pinanuod ko siyang kumain ng isa pagkatapos ay tinakpan na ang jar. Natawa ako.
"You really don't like sweets."
"Hindi ah, mamaya ko pa 'to."
"Mag-share ka kung hindi mo kayang ubusin."
YOU ARE READING
Favorite Mistake (Unraveled Hearts Series #1)
RomanceEverybody makes mistake. And this is my favorite mistake.