"Goodbye Miss Aguilera!"
Kumaway sa'kin ang grupo ng mga istudyante habang naglalakad ako mag-isa sa hallway.. Nginitian ko sila at kinawayan. "Bye kids!"
They all giggled. "Sana ganiyan din ako kaganda paglaki ko." rinig kong bulungan nila.
"Balita ko single pa si ma'am. Mabuti nalang dahil wala nang matitinong lalaki ngayon."
"Ang bitter nitong si kulot oh!"
"Teh move on na, teh."
Nagtawanan sila.
Nakangiti akong lumagpas sa kanila. Nang malapit na'ko sa gate ay nakita kong nakatayo roon si Elise. Nasa harap ang tingin niya, mukhang may malalim na iniisip.
Bumagal ang lakad ko at nagdalawang isip na lapitan siya. Tatalikod na sana ako nang bigla siyang tumingin sa'kin. Mukhang naramdaman ang presensya ko.
Hindi niya tinanggal ang tingin sa'kin. Ngumiti nalang ako sa kaniya at nilapitan siya. "Hi Elise!"
Tipid siyang ngumiti. "Hello po."
"Mag-isa ka yata?"
Nitong mha nakaaran lang kasi napapansin ko lumalaki na ang circle niya at palatawa na rin siya. Ngayon ko lang ulit siya nakitang mag-isa.
"Nauna na po kasing umuwi ang mga kaibigan ko. Hinihintay ko nalang si kuya." tinitigan niya akong maigi.
Napatango ako. "Ah, gano'n ba?" tumingin-tingin ako sa paligid. Mukhang wala pa naman si Bea. "Samahan na kitang maghintay? Wala pa rin naman si 'yong kasama ko."
Napakurap siya. "Naku, hindi na po. Nakakahiya."
"Ayos lang sa'kin. Kaysa maghintay ka rito mag-isa. Hindi safe."
Hindi siya nakapagsalita pero tumango nalang. Nginitian ko ulit siya. Nahagip ang ice-cream vendor sa labas ng gate tulak-tulak ang stall niyang pinaglalagyan ng icecream.
Binalingan ko si Elise. "Gusto mo mag-ice cream habang hinihintay ang kuya mo?" tanong ko.
Tumingin siya sa nagbebenta ng icecream. Ngumiti siya at tumango ulit. Nilahad ko sa kaniya ang kamay ko. Agad siyang humawak sa'kin at sabay na kaming lumapit kay manong.
"Dalawa pong icecream, manong." tumingin ako kay Elise. "Kumakain ka ba nito?"
She nodded enthusiastically. "Opo."
Nang ibigay na sa'min ni manong ang tig-iisa naming apa na may lamang icecream ay humawak ulit siya sa kamay ko. Sabay kaming naghanap ng mauupuan muna habang naghihintay.
"How are you by the way? Are you doing good?" tanong ko sa kaniya.
Tumingin siya sa'kin pero saglit lang 'yon. "Ayos na po ako. Medyo nag-a-adjust pa rin."
"Hindi ka ba nahihirapan dito?"
Umiling siya. "Masaya po rito."
Napangiti ako. "Mabuti naman kung ganoon."
"Wala pa po akong absent record." she proudly said. I looked at her, smiling. Pati pala paraan ng pananalita ay pareho sila ng kuya niya.
Naalala ko tuloy 'yong nabanggit ni Kael sa'kin. Palagi nalang daw siyang nakangiti ngayon. Siraulo talaga ang lalaking 'yon. Mabuti na 'yon kaysa umiiyak ang bata!
"Talaga? Hmm..." tiningnan ko siyang maigi. "That's good."
Ngumiti siya at dinilaan ang icecream niya. "Kung alam ko lang na may nag-eexist na ganito kasayang school dati pa, sana lumipat na'ko."
YOU ARE READING
Favorite Mistake (Unraveled Hearts Series #1)
RomanceEverybody makes mistake. And this is my favorite mistake.