Chapter Twenty-Nine

103 6 1
                                    

"Hoy, totoo kaya 'yon?"

"Ewan ko, 'yon lang naman kasi narinig ko."

"Grabe 'no? Bakit kaya sa lahat ng mga lalaki, 'yon pa?"

Nag-inat inat ako at nilasap ang pang-umagang ihip ng hangin at ang hindi makapasong init ng araw habang papasok ako sa gate ng Ukison. Binati ako ng ibang mga istudyante, ngumingiti naman ako at binati sila pabalik.

Papasok na ako sa pathway patungong hallway nang mapansin kong nakatingin sa akin ang lahat. Tiningnan ko rin sila pabalik habang isa-isa silang nilalagpasan. Kada lagpas ko isa sa kanila ay rinig ko ang malalakas nilang bulungan.

Hindi ko na namamalayang napapakunot na ang noo ko at nilibot ulit ang tingin sa hallway. Ipinagsawalang bahala ko nalang 'yon at nagdesisyong magmadali para makapunta na sa classroom.

Nakasalubong ko pa si Monica na feel na feel ang paglalakad sa gitna ng hallway. Wala siyang kasama. Malayo pa lang ay kitang-kita na rito ang malapad niyang ngiti.

"Goodmorning Madie!" bati niya.

Hindi ko siya sinagot pabalik pero hindi nawala ang ngisi sa labi niya.

"Nabalitaan mo na ba?" tanong niya.

Hindi ulit ako umimik habang naglalakad at talagang bumalik pa siya para sabayan ako.

"Ohh, mukhang hindi mo pa alam?"

"Hindi naman kasi ako chismosa." bato ko agad kahit wala pa man. Ang ganda ganda kasi ng umaga ko, masisira lang dahil sa kaniya. At alam ko 'yang ngiti niyang 'yan. Isang tingin mo pa lang alam mo nang hindi gagawa ng matino.

"Hmm, sabagay totoo naman." matamis siyang ngumiti.

Nginiwian ko siya at saglit na tiningnan bago napailing at nagmadali nang naglakad. 'Yong hindi ako masusundan.

Agad kong inumpisahan ang una kong klase. Nu'ng mag break time ay nag-scroll muna ako sa facebook. Viniew 'yong bago niyang story. Nakaupo siya sa mesa ng picnic table habang may hawak na folder, mukhang pasekreto lang siyang kinunan ng picture rito.

Noong lunch break naman ay nagpunta na akong canteen para kitain si Bea. Kagabi kasi hindi siya umuwi, kay Clark daw natulog. Hindi ko rin siya nakasabay pumunta rito. Namiss ko agad ang babaeng 'yon.

Hindi na nakatakas ang bulungan at tinginan na naman sa paligid ko. Kanina ko pa 'yon napapansin pero hindi ko lang pinagtutuonan ng pansin kanina pero ngayon... unti-unti na akong nagtataka.

Bakit ang daming bulungan? Bakit sa'kin lahat nakatingin?

Natauhan nalang ako nang may humila sa braso ko at pinaharap ako sa kaniya.

Nakita ko si Bea suot ang galit na ekspresyon. Kumunot ang noo ko habang tinitingnan siyang nakatingin sa buong paligid.

"Anong tinitingin-tingin niyo?" mataray niyang sabi sa lahat.Agad namang nahiya ang ibang nakatingin sa'min at nagpatuloy nalang kumain.

"Bakit Bea?" tanong ko.

"Bruha, halika sumama ka sa'kin." hinila na niya ako palabas ng canteen.

"Teka, hindi ba muna tayo kakain?"

"Importante 'to!"

"Huh?"

Medyo mahaba-haba pa ang nilakad namin bago kami huminto at iniharap na naman niya ako sa kaniya. Nilabas niya ang kaniyang cellphone at kinalikot 'yon sandali bago iniharap sa'kin.

"Tingnan mo'to..."

Sinunod ko naman ang sinabi niya.

Una kong nakita sa litrato ay si Kael. Ang gwapo niya sa anggulong 'yon, nakangisi at bahagyang nakayuko sa kausap. Magtatanong sana ako kay Bea kung bakit may picture siya kay Kael nang matigilan ako. Agad kong zi-noom ang litrato at nakita kong ang kausap ni Kael ay walang iba kundi ako.

Favorite Mistake (Unraveled Hearts Series #1)Where stories live. Discover now