Pagkatapos lang ng trabaho ay sumana na agad ako kay Kael para pumunta sa hospital. Hannah is already awake ayon kay Greg. Pagdating namin ng hospital ay tiningnan muna ako ni Kael at nginitian.
"Are you really sure, Madie?" kanina pa niya ako tinatanong niyan at puro tango lang ako. But part of me was worried. What if mas lalo lang sumama ang loob ni Hannah dahil nandoon ako? Yes, sigurado. Wala na ba talaga akong konsiderasyon? "Okay, let's go." hinawakan na niya ang aking kamay at sabay na kaming pumasok sa hospital.
Huminga ako ng malalim. "Hindi ba siya magagalit, Kael?" nag-aalala kong tanong.
Nilingon niya ako at nginitian lang. "Bakit naman siya magagalit?" tanong niya kaya napakagat labi ako. Kasi diba? Gusto niya si Kael at... "Hindi siya magagalit." sabat niya kaya kumalma agad ako sa sinabi niyang 'yon.
"Hey," si Kael nang sinalubong namin ang babaeng nakaupo lang sa tabi ng kama ni Hannah. Ito 'yong isa pang babaeng kaibigan nila Kael. Hindi ko rin alam ang pangalan.
"Hey..." tumayo siya at nakibeso kay Kael. Lumanding agad ang tingin niya sa'kin. Nginitian niya ako bago tiningnan ang lagay ni Hannah. "Nagkamalay na siya pero nakatulog rin bago pa kayo nakarating." paliwanag niya.
Sinilip ko ang babaeng payapang natutulog sa kama, rinig na rinig dito ang paghinga niya. Sa dalawa niyang pulsuhan ay may nakabalot na benda habang nakaturok naman sa isa niyang braso ang dextrose. Hindi ko mapigilang maawa. Dalawang pulso ang nilaslas niya?
"Sila tita?" tanong ni Kael.
"Nagpresinta muna akong ako muna ang magbabantay kay Hannah, kanina pa sila nandito kaya umuwi muna sila," sagot naman ng babae.
Tumango lang si Kael at nilapag sa mesa ang mga prutas na binili namin kanina. Nilingon niya ako dahil nanatili lang akong nasa likod niya. Doon ko napagtantong nakatingin rin ang babae sa akin. Bigla akong nakaramdam ng ilang.
"By the way, Lila... this is Madie." marahan niya akong hinila sa kaniya. Ngumiti lang ako kaya malapad din siyang ngumiti. "Madie, si Lila."
Agad na nilahad ni Lila ang kamay niya sa'kin. Inabot ko 'yon agad. "Nice meeting you, ma'am. I'm Lila."
Tumango naman ako. "Nice to meet you, Lila."
"Heard a lot about you," sabi niya sabay tingin kay Kael saka ngumiti ng nakakaloko. Napatingin na rin tuloy ako sa katabi ko. Nagkamot lang siya ng kilay habang nakatingin sa baba. Matapos naming magpakilala ay bigla siyang siniko ni Lila. "Kayo na ba?" rinig kong tanong niya kay Kael.
Kael just gently push her face to shut her up. Napakurap ako sa ginawa niya. Mukhang close rin sila.
Ilang sigundo lang ay dumating na ang dalawa pa niyang kaibigan. Naghalo-halo ang amoy sa buong kwarto nang pumasok ang dalawa. Agad na lumapit si Greg kay Lila at nagbigay ng pagkain.
"Hindi ka pa kumakain diba?" tanong niya kay Lila.
Ngumiti lang si Lila. "Thank you!"
Bumaling ang tingin ng dalawa sa akin. Biglang nagsingitian at tumingin kay Kael. Tumingin rin ako kay Kael para lang makita siyang nakasandal sa pader at nakakrus ang braso. Ako na ang unang bumati sa kanilang dalawa. Binati rin nila ako pabalik habang ngiting-ngiti pa rin.
"No shake hands allowed." pigil ni Kael nang iabot ni Jude ang kamay niya sa'kin.
Pareho lang kaming tumingin sa kaniya. Seryoso ang mukha niya pero hinawakan pa rin ni Jude ang kamay ko at nakangiting nakipagkamay.
"Oh, bitaw na baka bigwasan ka pa ni Elvero," si Lila habang natatawa.
Ako na ang bumitaw bago lumapit kay Kael na masama ang tingin sa kaibigan. Mayamaya lang ay nag-iba na rin ang ekspresyon niya. Umupo kami sa sofa at nag-usap-usap ng konti doon. Sa kakatawa ay nagising ata namin si Hannah.
YOU ARE READING
Favorite Mistake (Unraveled Hearts Series #1)
RomanceEverybody makes mistake. And this is my favorite mistake.